Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

PINAKAMALALAKING ARTISTA SA BANSA, PUMIRMA SA ABS-CBN

Mga naglalakihang bituin, kabilang ang mga kinakikiligang love teams ang mananatiling Kapamilya matapos pumirma ng kani-kanilang mga eksklusibong multi-program contract sa ABS-CBN nitong unang quarter ng taon.

Patuloy na magpapakilig sa iba’t ibang Kapamilya projects ang mga love teams nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen), at Kim Chiu at Gerald Anderson (KimErald).

Kasama rin sa mga pumirma ng kontrata sina Vice Ganda, Piolo Pascual, Bea Alonzo, Enchong Dee, Julia Barretto, Maja Salvador, Joseph Marco, Julia Montes, Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, Pokwang, Robi Domingo, Shaina Magdayao, Jessy Mendiola, Erich Gonzales, Sam Milby, Isabelle Daza-Semblat at Richard Yap.

Mainit din ang pagtanggap ng ABS-CBN sa nagbabalik-Kapamilya na singer/songwriter na si Ogie Alcasid. Pumirma rin ng kani-kanilang mga kontrata ang mga aktres na sina Bela Padilla at Yassi Pressman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *