Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

People’s Artist Award para kay Dolphy

Hindi man naigawad ang National Artist Award kay Dolphy noong nabubuhay pa siya ay isang award umano na katumbas na pagkilala ang igagawad ng samahan ng mga artista, direktor, singers, composer, writer at mga civic leaders at NGO sa namayapang hari ng komedya. Ito ay tatawagin nilang People’s Artist Award, ayon kay dating singer na si Anthony Castelo, pangulo ng Dakilang Lahi Foundation.  Ang nasabing pagkilala ay sumi-simbolo sa pagbibigay hustisya sa kagaya ni Dolphy na pinagkaitan ng gobyerno ng isang nararapat na pagkilala para sa kaniyang naging kontribusyon sa pagningning ng sining sa Pilipinas, hindi lamang sa buhay ng maraming mamamayan kundi sa buong bansa sa larangan ng pagbibigay ng saya sa mga tao.

Sinabi ni Castelo na hindi lamang para kay Dolphy ang nasabing award kundi para na rin sa iba pang mga artista at mga nasa larangan ng entertainment na hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala ng gobyerno.  Idinagdag pa ni Castelo na kung meron lamang award na higit pa sa national artist award ay ito ang dapat ipagkaloob sa namayapang si Dolphy dahil na rin sa nagawa nitong ambag sa pagpapasigla sa pelikulang Pilipino.-(Philstar)