Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pasukan na naman sa Pilipinas

Ilulunsad ng DEPED ang OPLAN Balik-Eskwela para gabayan ang mga magulang at estudyante sa darating na pasukan, marami kasing mga magulang ang nalilito sa bagong curriculum ng DEPED.

Isa linggo bago magpasukan abala na sa paghahanda ang mga magulang. Una ang pag bili ng kakailanganin ng mga bata sa eskwelahan. Mga batang nag-aalala dahil hindi pa rin malinaw ang bagong curriculum ng DEPED na K-to-12 (programa ng DEPED).

“ Nag e-expect ang mga magulang na maraming matututuhan ang kanilang mga anak”. Sa bagong curriculum na ito.

Aminado naman ang DEPED na maraming pagbabagong haharapin ang mga magulang at estudyante ngayon school year, kaya inilunsad ang OPLAN balik-eskwela.

Kaakibat ngDEPED sa OPLAN balik-eskwela ang DPWH para tiyakin kung kumpleto ang mga silya at maayos na ang mga silid aralan at maayos ang mga kalsada papunta sa eskwelahan, magtatayo rin ng parents and student help desk ang PNP sa unang pagkakataon.

Simula sa lunes bubuksan na ng DEPED ang kanikang Action Center para magbigay impormasyon at sumagot sa mga reklamo at iba pang mga katanugan tungkol sa pag bubukas ng klase, nagpalabas na rin ng Hotline ang Action Center ng DEPED.