Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Paolo Contis: On Love, Life and Career

Karamihan sa mga iniidolo sa showbusiness ay nag-uumpisa bilang mga child star at nasubaybayan natin ang kanilang unti-unting paglaki sa telebisyon at sa silver screen. Dumarating din sila sa tinatawag na “awkward age” kung saan sila ay titigil muna dahil hindi lahat ng mga role ay pwede nilang gampanan dahil ang kanilang edad ay alanganing bata at alanganing matanda. Kumbaga, nasa gitna, kaya mahirap hanapan ng tamang role kaya minamabuti muna nilang magpahinga at ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at babalik sila sa takdang panahon bilang bagong anyo kapag sila ay nasa tamang edad na.

Bihira rin ang nangyayaring, sikat na sikat sila noong bata pa at titigil dahil sa edad at magbabalik pero mahihirapan na dahil iba na ang takbo ng showbiz. Kumbaga, survival ang tawag dito. Kung malampasan mo ang edad (awkward age) na ito at tatanggapin ka ulit ng mga tagahanga ay mapalad ka.

At mangilan-ngilan nga ang nakaka-“survive” at kasama na riyan si Paolo Contis.

Nagsimula bilang isa sa mga bulilit sa ANG TV ng ABS CBN. Kasama sina Claudine Barreto, Lindsay Custodio, Jolina Magdangal at iba pa. Naka-tatlong season ang naturang programa na sadyang kinagiliwan ng mga manonood. Naalala ko nga na kapag tumugtog na ang theme song ng ANG TV na “Do Wah Diddy Diddy”, ay takbuhan na ang mga bata sa harap ng telebisyon at sinasabing “Ang TV naaaaaa”.

At habang ginagawa niya ang Ang TV ay patuloy pa rin siyang napapanood sa iba’t ibang shows ng ABS CBN tulad ng Mara Clara at sumunod ang Oki Doki Dok. Ang isa sa hindi malilimutan ng mga tagahanga ay nang mapasama siya sa teen oriented program na Tabing Ilog kasama sin John Lloyd Cruz at Jodi Sta. Maria to name a few. Hindi naging mahirap para kay Paolo ang pagpapalit ng roles mula sa batang roles hanggang sa teenage roles dahil may nakahandang roles na bagay sa kanya kung kaya’t nasundan ng mga masugid na manonood ng telebisyon ang kanyang paglaki.

Noong taong 2004 ay lumipat si Paolo sa bakuran ng GMA 7 at dito ay mga matured role na ang kanyang ginagampanan. Naging mas flexible si Paolo dahil kahit anong role ay nagagampanan niya ng mahusay, mula sa comic roles, supporting roles, kontrabida roles at lead roles ay kaya ni Paolo. Dahil na rin sa maagang nahubog si Paolo sa showbiz kung kaya naman hindi naging mahirap sa kanya ang pagtanggap ng iba’t ibang roles at dito ay lalo siyang hinangaan ng management at ng mga tagahanga. Si Paolo ang klase ng talent na kailangan ngayon sa showbiz. Hindi siya yun tipong mamimili ng roles o magiging maarte. Kung kaya niya ay bakit hindi. Kumbaga, walang masamang tinapay kay Paolo kaya naman isa siya sa mga talent ng GMA 7 na hindi nababakante.

Bukod sa telebisyon ay marami ring pelikulang nagawa si Paolo simula noong siya ay bata pa. Nakasama siya sa iba’t ibang klase ng movies, horror, drama, fantasy, action at comedy.

Ang kanyang husay sa pag-arte ay sinusuklian naman ng awards na natanggap niya noong 2000, 2002, 2005 at 2006 para sa “Maalaala Mo Kaya” na mula sa PMPC Star Awards for Television. At sa 24th PMPC’s Star Awards naman ay tinanghal siyang Movie Actor of the Year of 2008 para sa pelikulang “Banal.” At sa 26th Luna Awards ay natanggap din niya ang Best Actor award para ulit sa pelikulang Banal.

Nitong 2020 ay gumawa ng dalawa pang pelikula si Paolo ang Ang Pangarap kong Holdap at Through Night and Day. Mga pelikulang naging matamlay sa box office pero nung ipalabas sa Netflix ay nag-no. 1 bilang most viewed ng mga manonood.

Narito ang ilang excerpts na aming interview with Paolo Contis;

1. Your movie Through Night and Day got a grade A rating from the Cinema Evaluation Board, unfortunately, it did not do so good in the box office but it earned the number 1 spot on Netflix for most viewed film, how did you feel about it?


It’s bittersweet. Of course, it would’ve been great if people had seen it in the cinemas before. But I’m really happy about the viewers’ warm reception on Netflix. I believe we did a beautiful film and all I wanted was for people to see it. It might have been quite late, but it still feels great.

2. What are your plans now that you are back to work?

I just plan to stay healthy for my family. Your priorities will really change after this pandemic. Yes, I want to work. But I want to make sure that I stay healthy for them as well even if it means being a little picky when it comes to scheduling.

3. Thank you, Paolo for taking time answering our questions, for parting words, would you like to greet our Philippine Digest magazine readers in Japan.

Hi, everyone! Thank you for your support and I really hope you all stay healthy and safe. Hopefully, I get to meet you guys one day.

Sa ngayon ay nagpapasalamat si Paolo sa mga tagahanga na hanggang ngayon ay sumusuporta sa kanyang journey bilang artista. Simula noong siya ay bata pa at hanggang sa ngayon na isa na siyang padre de pamilya ay nariyan pa rin sila at sumusubaybay sa kanya.

Masaya na rin si Paolo sa kanyang career at wala na siguro siyang hahanapin pa, nariyan ang kanyang partner na si LJ Reyes na isa rin Kapuso talent at kanyang anak kay LJ na si Summer, si Aki na itinuring na rin niyang tunay na anak at ang kanyang mga anak sa dating asawang si Lian Paz.
Ang panahon ng lockdown noon ang nagbigay sa kanya ng oportunidad upang mas ipamalas pa niya ang kanyang pagiging mabuting ama sa kanyang mga anak at mabuting partner kay LJ Reyes.

At ngayon ay unti-unti nang nagbabalik-trabaho ang mga artista ay isa si Paolo sa unang tinawagan para magbalik telebisyon. Asahang magkakasunud-sunod muli ang kanyang palabas at syempre dahil sa new normal ay hindi mawawala ang dobleng pag-iingat habang sila ay balik-taping. Social distancing at lahat ng safety precautions ay dapat sundin.