Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pancit Molo: Gourmet

Sangkap
  • 1 tasang ground pork
  • 1/2 tasang hipon, binalatan at hiniwa
  • 1/2 sibuyas, hiniwang pino
  • 2 egg yolks
  • 1/4 scallion o leeks, hiniwang manipis
  • 2 kutsarita bawang, hiniwang pino
  • 1 kutsarita asin
  • 1/4 kutsarita paminta
  • wrapper
  • 2 tasa all-purpose flour
  • 1/4 kutsarita asin
  • 3 egg yolks
  • 1/4 tasa tubig    

Broth

  • 1 kilo chicken
  • 15 tasa tubig
  • 2 kutsarita bawang, hiniwang pino
  • 1 tasa sibuyas, hiniwang pino
  • 2 kutsara oil
  • 1 cup hipon patis
  • 1/2 tasa scallion, hiniwang manipis
Paraan

Filling:

  1. Pagsamahin ang lahat ng sangkap sa mangkok at haluing maigi. Itabi.
  2. Kumuha ng isang scoop ng sangkap ng filling at ilagay ito sa wrapper at i-fold ang dalawang corners.

Broth

  1. Pakuluin ang manok sa tubig hanggang ito ay lumambot.
  2. Kapag malambot na ang chicken ay hanguin ito at tanggalin ang buito ng chicken.
  3.  Itabi ang chicken meat at ang broth.
  4. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
  5. Ilagay ang chicken, broth, ang iba pang sangkap na iginisa at ang hipon.
  6. Pwedeng gumamit ng patis o asin at paminta para pampalasa.
  7. Hayaang kumulo at habang kumukulo ay ilagay isa-isa ang binilot na molo at lutuin sa loob ng 10 minuto.
  8. Palamutian ng scallion.

Tip: Ihain ang pancit molo habang mainit.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net