Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pancit Choca

Ang Pancit Choca, Pancit ala Negra o Pancit Pusit ay isang lutuing Pinoy na black seafood
noodle na may tinta ng pusit at bihon. Ang iba pang sangkap nito ay maliit na pusit (baby squid),
hipon o sugpo (prawns), baboy
at gulay tulad ng celery, repolyo at carrots. Ito ay nagmula sa
Cavite.

Sangkap

  • 300g pancit bihon noodles
  • 100 g pork belly, hiwaing pakuwadrado
  • 1 dosena katamtamang laki ng sugpo o hipon, alisan ng balat at i-divide
  • 250 g sariwang baby squid, hiwain at itabi ang tinta
  • 2 tasa ng sabaw o katas ng hipon
  • ¼ repolyo, hiwaing pahabang maninipis
  • 1 sibuyas na pula, hiwain
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 maliit na carrot, hiwain
  • 1 tangkay ng celery, tadtarin
  • 1/3 tasang soy sauce
  • patis
  • asin
  • paminta
  • 1 lemon o calamansi, hiwain
  • mantika

Paraan

1. Ibabad ang noodles sa tubig sa loob ng 10 minuto para lumambot at madaling haluin habang niluluto.
2. Hilamusan ng asin at paminta ang baboy.
3. Igisa sa mantika ang pork belly hanggang magkulay brown. Hanguin mula sa kawali at itabi.
4. Pagkahango ng baboy ay igisa naman ang bawang, sibuyas at celery.
5. Ihalo ang sabaw ng hipon, soy sauce at tinta ng pusit at pakuluin.
6. Habang kumukulo, ilagay ang noodles, hipon, baby squid at lahat ng natitirang gulay. Igisa sa malakas na apoy sa loob ng 5 minuto hanggang sipsipin ng noodles ang sabaw.
7. Lasahan ng patis at paminta. Ilagay ang calamansi o lemon wedges sa gilid ng serving platter

Recipe and photo credits from www.angsarap.net. For more recipes, please visit the site.