Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

PAGASA, ayaw ilipat ang pasukan sa Setyembre

Suhestiyon ng maraming mambabatas na ilipat sa Setyembre ang simula ng pasukan ngunit matigas ang Philippine Atmoshperic, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagtutol dito. Ipinaliwanag ni Dr. Flaviana Hilario, acting deputy administrator for research and development ng PAGASA, na kahit magsimula sa Setyembre ang pasukan, mahahagip pa rin ito ng bagyo at ulan. Aniya, ang pagsisimula ng pasukan sa nasabing buwan ay pagsisimula rin ng matitinding bagyo sa bansa. Bukod sa pag-aaral na isinagawa ng PAGASA, matatamaan din ang ilang nakagisnan dahil ang Abril at Mayo ay ang mga panahon kung saan nagsisimula ang ilang family reunions, fiesta, Holy Week, Flores de Mayo at iba pang selebrasyon. Sa kabilang dako, tutol din si Education Secretary Armin Luistro sa paglilipat ngunit bukas ito sa mga paliwanag ng iba’t ibang panig. (Abante)