Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Embassy Onwards

Paalala tungkol sa Voter’s ID

Para sa mga nagparehistro noong nakaraang eleksyon (2010, 2013 at 2016), makukuha niyo na po ang inyong Voters’ ID sa Consular Section ng Philippine Embassy Japan mula 9:00 am hanggang 5:00 pm, Lunes hanggang Biyernes (maliban kung holiday).

Kayo lamang po ang makakakuha ng inyong ID. Ipakita lamang ang inyong Philippine Passport o Japanese Residence Card.

Kung kayo po ay rehistrado ngunit hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan, “DEACTIVATED” na po ang voter status ninyo. Maaaring hindi po kayo makaboto sa 2019 dahil kailangan pang ma-reactivate ang inyong registration records sa susunod na registration period matapos ang darating na eleksyon.  Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring magpadala ng email sa vote@philembassy.net.