Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

P2-Milyon, pabuya inilatag

Dinoble ni Pangulong Aquino ang pabuya sa 2 milyong piso sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon upang matukoy ang kinalalagyan ni dating heneral Jovito Palparan sa kasong kidnapping. Si retired Major General Jovito Palparan ay kinasuhan noong Disyembre sa kasong pagdukot ng dalawang estudyanteng aktibista taong 2006 at halata ang pagkadismaya ng pangulo sa mabagal na pag-usad ng mga imbestigasyon sa mga may matataas ng posisyon sa pamahalaan. Ayon sa tip na ibinigay ng Human Rights Watch, si Palparan ang protektado ng ilang militar at businessmen na natulungan nito habang nasa serbisyo pa. (Philippine Daily Inquirer)