Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Opportunity for Foreign Workers

Ang pagbubukas ng oportunidad ng isang bansa para sa foreigners ay may dahilan. Una nang isinasaalang-alang ng gobyerno ang kapakanan ng ekonomiya na makakatulong sa bawat mamamayan ng bansa. Sa kaso ng Japan, kapag ang birth rate ng isang bansa ay bumaba, magkakaroon ito ng chain reaction sa buong bansa. Ibig sabihin, magkakaroon ng seryosong problema sa ekonomiya, pulitika at sa Japanese society sa kabuuan.

Economy

Kapag bumaba ang populasyon, kaunti na rin ang gagastos ng pera. Kapag nagkaganun ay magkakaroon ng pressure sa GDP at sweldo sa Japan. Bababa rin ang presyo ng lupain at maging ang exchange rate ng yen. Ibig sabihin, ang international buying power nito ay maaapektuhan at wala nang papasok na foreign investment sa Japan na magreresulta sa pagbagsak ng ekonomiya.
Politics – Maaapektuhan din nang pagbaba ng populasyon ang pagboto ng mga public servants. Ang maaapektuhan ng malaki ay ang Prime Minister ng bansa kapag nagpatuloy ang ganitong krisis sa population. Tatamaan nang husto ang mga matatandang botante.

Society

Ang pagbaba ng populasyon ay isa sa may malaking impact sa Japanese society. Mula sa pagbabago sa tahanan hanggang sa kakulangan ng funeral support na sadya ring magastos. Ang pagbabago ng demograpiya ay nagpapabago rin ng istruktura ng bansa. Paano nga ba mabibigyan ng solusyon ang malaking suliranin ng bansa?

Welcoming a Foreigner to Work in Japan
English conversation class

Binuksan ng Japan ang oportunidad para sa foreign workers upang makatulong sa pagpapalago ng ekonomiya. Nag-propose si Prime Minister Abe ng ilang konkretong measures upang maka-attract ng low-skilled foreign workers. At least mga 500,000 sa taong 2025 ang magpupuno sa kakulangan ng laborers sa pagsasaka, construction, accommodations at pag-aalaga ng elderly. Ang pagiging successful ng plano na ito ni Abe at ang pagbabago ng immigration policy ang inaasahan ng pamahalaan na makakatulong sa paglago ng ekonomiya.

Mga ilang pointers bago mag-hire ng foreign workers:

  1.  Para sa mga foreign residents, sila ay pinapayagang magtrabaho sa Japan kung ang status nila ay kasama sa Immigration Control and Refugee Recognition Act (na mas kilala bilang “Immigration Control Act”).Ang tatlong uri ng employment para sa general office:
    a. Technology · Humanities · International work – System engineer, automobile design engineer at iba pa.
    b. Corporate transfers – Mga kumpanya na ang head office ay sa ibang bansa at nais nilang papuntahin ang kanilang professionals sa naturang bansa upang mas mapalawig pa ang kanilang operations.
    c. Skills – Cook o chef ng foreign cuisine at iba pa.
  2. Foreigner na may status of residence na maaaring magtrabaho, kumpirmahin ang haba ng pag-stay sa pamamagitan ng passport o seal of residence card, employment qualification certificate at iba pa.
  3. Huwag kukuha ng foreign workers na walang dokumento na maaari silang magtrabaho sa Japan. Ang employers na tatanggap ng illegal workers ay mapapatawan ng parusa mula sa pagbabayad ng 3 million yen o pagkakakulong ng 3 taon ayon sa Immigration Control Act.
  4. Para sa foreign recruiters o agencies, mag-apply sa Hello Work (Public Employment Security Office). Para sa iba pang impormasyon: https://www.tokyo-icc.jp/guide_eng/gov/03.html
  5. Ang foreign workers ay dapat na sumunod sa rules and regulations na itinakda ng Ministry of Labor.