Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Nilauja

Sangkap:

· 1 1/2 kg pork soft bones

· 1/4 tasang soy sauce

· 1/2 tasang cane vinegar

· 1 tasang tubig

· 3 kutsarang fermented black beans

· 6 pirasong bawang, hiwaing maliit

· 1 sibuyas, tadtarin

· 1 maliit na luya, hiwaing manipis

· 1 kutsaritang annatto powder

· paminta

· tinadtad na spring onion, pang-lagay sa ibabaw

· mantika

Paraan:

1. Igisa sa mainit na kawali ang bawang, sibuyas at luya sa katamtamang init ng apoy.

2. Itaas ang init ng apoy at ilagay ang baboy at haluin hanggang magkulay brown.

3. Ibuhos ang soy sauce, suka at tubig, pakuluin at habang kumukulo ay hinaan ang apoy sa medium at hayaang kumulo sa loob ng 1 orasat 15 minuto o hanggang lumambot ang baboy at maubos ang likido.

4. Maglagay ng konting tubig, haluin at ilagay ang fermented black beans, pakuluin sa mahinang apoy sa karagdagang 15 minuto.

5. Lasahan ng paminta, alisin mula sa stove at lagyan ng spring onion sa ibabaw at ihain.