Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Natural Ways to Moisturize and Revitilize Hair

4 na klase ng paraan upang mapangalagaan ang buhok, na magmumula lamang ang mga kasangkapan sa inyong kusina upang makagawa ng hair mask.
  • Dry Hair- Olive Oil and Egg

Paghaluin ang 3 kutsara ng olive oil at 2 itlog. Ibabad sa buhok ng 20 minuto at saka banlawan. Ang olive oil ay tumutulong upang mawala ang panunuyot ng buhok at ang itlog naman ay puno ng protina na tutmutulong magpalago ng magandang buhok.

  • All Hair Types- Avocado and Honey

Paghaluin ang avocado at honey. Ibabad sa buhok ng 20 minuto at banlawan. Ang avocado ay mayaman sa bitamina kaya ito ay nakakatulong sa pagaalaga ng buhok. At ang honey naman ay isang natural antibacterial agent kaya’t ito ay nakikita rin sa iba’t ibang produkto katulad ng body lotion.

  • Oily hair- Apple Cider Vinegar and Lemon

Paghaluin ang ¼ cup ng apple cider vinegar at ang isang buong katas ng lemon pwede rin mag gadgadng balat ng lemon upang ihalo sa mask. Ibabad sa buhok ng 15 minuto at batlawan. Ang apple cider vinegar ay mahusay na pantanggal ng mga produkto na inilagay sa buhok.

  • Dry, Flaky Scalp Hair- Banana, Honey and Almond

Durigin ang saging at ihalo ang 2 kutsarang honey at ilang patak ng almond oil. Ibabad sa buhok ng 20 minuto na nakatakip ng shower cap at saka banlawan. Ang saging ay malakas na magbigay ng moisture sa buhok at pinapawala ang makating anit.