Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

National Vaccination Day

Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na nais ng pamahalaang Duterte na mabakunahan ang 15 Milyon Pilipino sa ilulunsad nilang National Covid-19 Vaccination day.  Ito ay gaganapin sa loob ng tatlong araw mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.

Ayon pa rin kay Roque, ang National Covid-19 Vaccination day ay bahagi ng Bayanihan concept kung saan nangangailangan ng kooperasyon mula sa lahat kasama na ang lahat ng LGU sa bansa.

Ang layon nito ay para mabakunahan ang 15 milyong katao sa loob ng tatlong araw para maabaot na ang tinatawag na Herd Immunity para makabalik na sa normal ang buhay ng mga tao sa Pilipinas.

Marami pa ring naga-alinlangan na magpabakuna dahil iniisip nila na imbes na makabuti angbakuna ay baka makasama pa ito sa kanila. Pero ito ay pinabulaanan ng mas nakararami, sa kasalukuyan at patuloy pa ring pinaiigting ang bakunahan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at kasama na ang mga kabataan.

Buhos din ang dating ng iba’t ibang bakuna mula sa sa COVAX facility at mga donasyon mula sa iba’t ibang bansa.

Umaasa ang Pamahalaang Duterte na mauumpisahan na rin ang booster shot para sa mga prioritiy lists tulad ng healthcare workers, senior citizen at ang mga may comorbidities.