Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

National Cancer Institute, Ipapatayo

Talamak na ang sakit na cancer at ito ang tinututukan ngayon ng Senado.  Dahil sa pagdami ng Pinoy na namamatay sa sakit na ito, isinusulong nila ang pagppatayo ng National Cancer Institute of the Philippines. Si Senator Gregorio Honasan II ang naghain ng Senate bill na naglalayong matulungan ang mga mamamayan na may sakit na cancer. Ayon kay Honasan, ang bilang ng mga namamatay sa sakit na cancer ay lalong tumataas dahil na rin sa kakulangan ng salapi at ang sakit na kanser ang pangatlo sa dahilan ng pagkamatay ng maraming Pilipino.  Base umano sa health statistics ng World Health Organization noong 2008, ang cancer ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga tao sa mundo kasunod ng heart disease.- (Philstar)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *