Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Nagprotesta sa mabagal na pag-usad ng kaso

Ngayon ay ang ika-isanlibong araw simula nang maganap ang Maguindanao masaccre na kumitil sa buhay ng 57 katao kasama doon ang ilang mamamahayag. Sa paggunita ng ika-isanglibong araw, nagkaroon ng kilos-protesta ang mga mamamahayag sa Maynila dahil sa mabagal na pag-usad ng imbestigasyon at binatikos din nito ang kasalukuyang administrasyon dahil sa patuloy na ulat ng mga pagkakamatay. Simula nang umupo si Aquino noong 2010 sa pwesto ay nagkaroon na labintatlong mamamahayag na namatay. Ayon kay Sonny Fernandez, wala raw hakbang na ginagawa ang pamahalaan upang masugpo ang mga pangyayaring ito. Samantalang nagkakaroon naman diumano ng “culture of impunity” ang ating pamahalaan kung saan napapatay ng mga malalakas na tao sa lipunan ang mga tao nang hindi napapatunayang nagkasala. (Philippine Daily Inquirer)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *