Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Na-Provoke si Anne Curtis

Anne Curtis

May balitang lumabas tungkol kay Anne Curtis na nanampal at nang-insulto sa mga kasamahan sa Privé Luxury Club sa Bonifacio Global City complex, Taguig City. At inamin naman ng dalag a ang kanyang pagkakamali at humingi siya ng paumanhin sa lahat ng kasangkot nung gabing yun.  Inamin din niyang siya ay medyo nakainom kung kaya’t  nasabi niya ang nagawa niya ang mga bagay na kanyang pinagsisihan.

Nagkaroon din ng pagkakapatawaran ng gabing yun pero marami pa rin ang nagtatanong, ano nga raw ba ang nagbunsod kay Anne para magawa ang mga bagay na yun.  Kasi sa aking opinyon, walang ganitong gulong mangyayari kung walang provocation o kung walang nag-provoke sa situawasyon.  Pero tulad nga ng sinabi ng magkabilang kampo, tapos na ito at naayos nila ang gusot at sana ay magsilbing leksiyon ito hindi lang kay Anne kundi pati na rin sa iba pang artista na dapat ilagay sa tiyan ang iniinom at hindi sa ulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *