Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Mud Bath and Tattoo-Friendly Bath

MUD BATH

Beppu Onsen Hoyoland

Kilala ito sa tawag na “dyer’s hell” at nakilala dahil sa kanilang mud bath onsen. Hindi sila gumagamit ng ordinaryong putik ngunit sa halip, gumagamit sila ng hot spring water na mayroong fine quality ore mud. Ito ay mayroong moderate gas, clay-humus at underground water. Ang pinong putik ay nagmula sa ilalim ng lupa at pag natuyo ito ay nagiging mala-pulbos.

Address: 5 Myoban, Beppu, Oita Prefecture
Telephone: 0977-66-2221
Business Hours: 9:00 AM to 7:00 PM
Website: http://hoyoland.webcrow.jp/

Sakura-Sakura Hot Springs

Paano ma-enjoy ang pagligo sa Sakura-Sakura Hot Spring?

  1. Magbabad sa hot spring. Painitin ang katawan.
  2. Sa gilid ng paliguan, may putik sa may stone container.
  3. Ilagay ang putik sa buong katawan at hayaan itong matuyo. Ingatan ang inyong mata na hindi malagyan.
  4. Kapag natuyo na, banlawan ang katawan gamit ang maligamgam na tubig na galing sa hot spring. Maaari rin gumamit ng sabon para sa mas magandang epekto.
  5. Kapag nabanlawan na, mapapansin na ang kutis ay lumambot.

Address: 〒899-4201 2324-7 Taguchi, Kirishima, Kirishima-shi
Telephone: 81-0995-57-1227
Business Hours: (Day Trip) 10:00 AM to 8:00 PM
Website: https://www.sakura-sakura.jp/en/

TATTOO-FRIENDLY BATH

Natural Hot Spring Hisamatsuyu

Ito ay malapit sa Sakuradai Station. Tinatawag itong “super-sento” at ang kanilang tema ay “Light and Wind: a bathhouse in the midst of a thicket”. Mapapansin na ang lugar na ito ay contemporary pagkapasok pa lang sa loob. Maliban sa hot spring, may iba’t ibang jacuzzi style baths at electric baths din. Sa halagang 460 yen, hindi lang katawan ang marerelax kundi maeenjoy din ang iba”t ibang gawa ng mga well-known artist.

Address: 4-32-15 Sakuradai, Nerima, Tokyo 1760002, Japan
Telephone: 03-3991-5092
Business Hours: 11:00 am to 11:00 pm

Jakotsuyu

5 minuto lamang mula sa sikat na Sensoji Temple sa Asakusa, ang Jakotsuyu ay perfect place para puntahan pagkatapos mamili sa Nakadori at huminto sa tabi ng templo para sa mga larawan. Ipinagmamalaki nila ang kanilang mineral spring water. Bago pumasok sa paliguan, kailangan munang bumili ng ticket. Ang ticket machines ay available in four languages kasama ang English. Dahil malapit sa tourist attractions, maraming foreign tourists ang bumibisita rito.

Address: 1-11-11 Asakusa, Taito-ku, Tokyo, 111-0032, Japan
Telephone: 03-3841-8645
Business Hours: 1:00 pm to 12:00 am

Mannenyu

Ang Mannenyu ay isang tunay na tradisyunal na sento dahil ito ay mula pa noong 1961. Matapos ang negosyo sa loob ng higit sa 50 taon, kamakailan ay na-remodel ito noong Agosto 2016 upang magkaroon ng higit sa isang modern feel. 5 minuto lamang mula sa Shin-Okubo Station, ang pagpasok sa Mannnenyu ay tulad ng paglalakad sa isang ganap na naiibang mundo. Sa pamamagitan ng isang magarbong bagong signboard sa harap, mas malinis na paliguan, mas maliwanag na ilaw, at isang buong paligid ng klasikong kapaligiran, malamang na mawawalan ka ng oras sa nakakarelaks na kapaligiran.

Address: 1-15-17 Okubo, Shinjuku-ku, Tokyo, 1690072, Japan
Telephone: 03-3200-4734
Business Hours: 3:00 pm to 12:00 am