Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

More kulitan moments await moms and kids on GMA-7’s Mars Pa More!

Tuwing umaga sa GMA 7, bukod sa Unang Hirit ay may isa pang programa na nagbubukas ng magandang umaga sa Kapuso viewers. Ito ay ang family-oriented lifestyle magazine show Mars Pa More!

Hosted by celebrity and hands-on mommies na sina Camille Prats at Iya Villania, ang Mars Pa More! ay naghahatid ng fun-filled segments na siguradong kalulugdan ng mga mommies. Ang objective ng programang ito ay para sa special bonding moments ng mommy and their kids. I-introduce din ang mga promising roster of kids na aawit, sasayaw at maging sa pagluluto kasama ang kanilang mommies.

Tuwing umaga, laging matutunghayan ng mga viewers ang non-stop kwentuhan at fun activities tulad ng pag-prepare ng home-cooked meals, family friendly games, interesting crafts, musical segments, trending challenges on social media, mga lugar na pwedeng dayuhin ng pamilya at mag-enjoy at syempre ang beauty and home tips para sa mga mommies. Laging subaybayan, Mars Pa More!