Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Minanok

Ang Minanok ay klase ng soup mula sa Quezon Province. Tulad ng tinolang manok, ito ay niluluto sa pamamagitan nang paggisa ng bawang, sibuyas at luya, at saka nilalagay ang baka at pinapakulo sa mahinang apoy hanggang lumambot. Ang mga gulay na ginagamit sa Tinola ay ginagamit din sa lutuing ito at saka nilalasahan ng patis.

Sangkap:
  • 1½ kg beef ribs
  • 2 malaking patatas, hiwaing pa-cubes
  • 1 malaking bungkos ng mustasa (mustard leaves)
  • 1 puting sibuyas, tadtarin
  • 6 pirasong bawang
  • 1 maliit na luya, hiwaing manipis,
  • Mantika
  • Asin
  • Tubig
  • Patis
  • Paminta
Paraan:
  1. Hilamusan ng asin ang beef ribs
  2. Sa kaserola, maglagay ng mantika at saka lutuin ang beef ribs hanggang magkulay brown ito at saka hanguin mula sa kaserola at itabi.
  3. Gamit ang parehong kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at luya.
  4. Ibalik ang beef ribs at lagyan ng tubig ang kaserola na tama lamang upang ma-cover ang ribs. Pakuluin at hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 1 1/2 oras o hanggang lumambot ang karne.
  5. Idagdag ang patatas at pakuluin sa loob ng 15 minuto.
  6. Lasahan ng patis at paminta at saka ilagay ang mustasa at pakuluin sa karagdagang 2 minuto.
  7. Patayin ang apoy at saka ihain habang mainit.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang https://www.angsarap.net/