Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Miguel Tanfelix celebrates 15 years as a Kapuso; renews exclusive contract with GMA Network

Ang sought-after Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ay nanatiling loyal Kapuso sa kanyang muling pagpirma ng panibagong exclusive contract sa GMA Network, Inc.

Nagpahayag si Miguel na nais niyang pasalamatan ang GMA Network sa patuloy na pagbibigay tiwala sa kanya bilang artista at talent ng GMA 7, “Papunta dito kinakabahan ako kasi alam ko ang responsibilities na bubuhatin ko po, and handa naman akong harapin lahat ‘yun. Of course, I’m very happy and very blessed na nandito pa rin ako for more years sa GMA. Makakaasa po sila na more than a hundred percent effort and puso ang ibibigay ko sa lahat ng blessings na ibibigay nila sa akin.”Gusto ko pong mag-explore ng ibang roles, pwedeng maging bida-kontrabia, gusto ko rin po ng action. Ngayon, nagwo-workshop po ako para ma-expand ‘yung mga kaya ko pang gawin, para mas maging versatile ako at kahit ano po ang ibigay sa akin magagampanan ko po ng maayos.

Ayon kay GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, “He started at five-years-old at hanggang ngayon nandito pa sa atin. Talagang homegrown ‘yan. Sa totoo lang, napaka-professional ng batang iyan, madaling katrabaho at higit sa lahat napakahusay umarte. Isa siya sa mga talagang hinahangaan natin na mga kabataan na napakagaling mag-tackle ng kaniyang roles and very serious about his craft. Siguro nga bilang artist gusto niyang mag-explore ng iba’t ibang klaseng characters at isa nga doon na very challenging siguro for him would be a bida-kontrabida role. Maybe in the future that can be explored but we have many plans for him, many more lead roles in big projects na dapat abangan.