Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Miguel Tanfelix & Bianca Umali: A Love Team to Watch

Si Miguel Tanfelix at Bianca Umali ay kapwa contract artists ng GMA 7 at nasubaybayan ng mga manonood sa telebisyon ang pag-grow ng dalawang batang ito. Si Miguel na nakilala bilang si “Pagasgas” sa now defunct “Mulawin” fantaserye nina Richard Gutierrez at Angel Locsin, at si Bianca Umali na nagsimula bilang isang endorser at commercial model at nabigyan ng pagkakataon mapabilang sa mga host ng “Tropang Potchi,” isang children’s show at dito na nagsimula ang kanyang makulay na career nang siya ay pumirma ng exclusive contract sa Kapuso network.

Nag-start ang dalawa sa TV guestings sa iba’t ibang shows ng GMA 7 – mula sa children’s show hanggang sa mga teeny bopper program. Hanggang sa pinagtambal sila at ngayon ay isa na sila sa hottest love teams ng naturang network.

Apparently, sina Miguel at Bianca ang isa sa love teams to watch ng GMA network. Thankful ang dalawa sa lahat ng support at pagtitiwala sa kanilang love team at binibigyan sila ng sunud-sunod na projects ng GMA 7.

“We’re thankful for it. Ang bilis po e, parang wala pa pong masyadong pahinga tapos meron na agad show. We appreciate the network kasi hindi po kami masyadong nababakante nang matagal,” ani Miguel. “Of course, I’m happy kasi kami po ang laging magkasama kapagmay new project,” pahabol ni Bianca.

Nang muling i-reprise ang “Mulawin (Mulawin vs Ravena)” ay nakita ng mga manonood at maging ng management ang magandang chemistry at registration ng dalawa sa screen at nagdesisyon silang bigyan ng maraming projects. Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ng “BiGuel (Bianca at Miguel)” sa mga tagahanga at sa GMA network sa pagbibigay ng magandang pagkakataon sa kanila upang mas lumawig pa ang kani-kanilang careers.

Ang “Santa-Santita” ang naging turning point ng tambalang BiGuel. Sinuportahan ng powerhouse cast at tinanggap ito ng marami. Hindi man ito ang unang pagkakataon nila na magtambal pero sa seryeng ito naging opisyal na na-focus sa kanilang love team. Dito na rin nagsimula ang pag-tackle ng dalawa sa mas matured roles na inamin ng dalawa na naging challenge sa kanila. Mula sa teeny bopper ay nag-switch sa heavy drama na nag-click sa manonood.

Marami ang nagsasabing bagay silang dalawa at noong nag-18th birthday nga si Bianca ay pormal na nagpaalam si Miguel sa lola ni Bianca na ito ay kanyang liligawan. Maraming kinilig at dito na nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa. Ang kanilang pinaka-latest na teleserye, ang “Kambal Karibal” ay umaani ng atensyon ngayon dahil bukod sa kanilang love team ay may kasama silang ka-triangle sa pamamagitan ni Kylie Alcantara. Habang patuloy ang teleserye ay may lumabas na blind items tungkol sa tatlo. At mukhang nagkatotoo diumano ang love triangle sa tunay na buhay. Wala man umaamin ay nakikita ng mga tagahanga ng BiGuel na nag-iiwasan ang dalawa. Maging sa mga eksena na magkakasama ang tatlo (Miguel, Bianca at Kylie) ay mukhang totohanan ang mga binibitawang salita at maging ang aksyon nila. Sabi nga ng matatanda, “action speaks louder than words.” Pero kahit anong piga sa tatlo ay nanatili silang tahimik.

Marami sa mga tagahanga ng BiGuel ang umaasa na sana ay magbalik ang matamis nilang pagtitinginan lalo pa’t ang Valentine’s Day ay malapit na.

Humble Beginnings

Miguel Tanfelix

Sumali at nakasama sa finalists ng “Starstruck Kids” at naging First Prince (runner-up). Nakilala bilang si Pagaspas mula sa hit fantaserye na “Mulawin” at after 10 years ay naging isa sa pinaka-importanteng talent ng GMA 7. Ang breakthrough performance niya bilang Niño Inocente, isang mentally-challenged boy ang nagbigay-daan sa kanya upang makilala ang husay sa pag-arte. Ang portrayal niya sa Niño Inocente, ang nagbigay sa kanya ng iba’t ibang acting nominations mula sa PMPC Star Awards for TV, PEP List Awards at Golden Screen TV Awards.

Noong 2015, nakatawag ng pansin sa neighboring countries ng Pilipinas ang Indonesia, Malaysia, at Timor Leste ang viral Dubsmash video ni Miguel nang kanyang i-dubsmash ang sikat na awitin ni Brandon Beal na “Twerk It Like Miley.” Na-feature pa siya sa isang Indonesian paper at nakatanggap ng imbitasyon upang mag-guest sa Indonesian TV shows. Dahil sa pagiging popular niya, nag-record siya ng maraming video collaborations kasama ang isang sikat na actor at host sa Indonesia. Bukod sa international invitations ay patuloy pa rin ang paggawa niya ng mga teleserye kasama ang kanyang ka-love team na si Bianca.

Bianca Umali

Actress at commercial model. Exclusive contract artist ng GMA 7 sa murang edad at unti-unting namalas ng televiewers ang pag-grow sa showbiz ni Maria Isadora Bianca Soler Umali o mas kilala bilang Bianca Umali. Bata pa lang, tulad ni Miguel, ay nakitaan na ng husay hindi lang sa pag-arte, maging sa pagkanta at pagsayaw. Ang kanyang commercial endorsements ay nagsimula noong siya ay two years old pa lang. Maagang naulila at laki sa lola kaya naman makikita mo ang simple at pagiging lola’s apo. Napasama siya sa grupo ng mga talented na bata sa teleseryeng “Mga Basang Sisiw” at dito na nagsimula ang unti-unting pag-akyat ni Bianca sa tugatog ng tagumpay. Mula sa kid roles hanggang sa teen roles at sumunod ay ang mas matured roles.

Bukod sa pag-arte at pagsayaw ay nag-record din ng ilang hit singles si Bianca under GMA Records. Sa kasalukyan ay under contract si Bianca ng GMA Artist Center (GMAAC) at ipinangako ng GMA Artist Center na mas marami pang proyekto ang naghihintay kay Bianca sa taong ito bukod pa sa mga stints abroad.

Sa kasalukyan ay tuloy pa rin ang pamamayagpag ng tambalang BiGuel at umaasa ang marami na kung anuman ang gusot na nakabalot sa kanilang love team ay maayos na. Marami ang umaasa lalo na ang kanilang mga masugid na mga tagahanga na ang kanilang friendship ay mas lumalim pa. Alam ng lahat na nakapaligid sa kanila na may good working relationship ang dalawa.

“We’ll continue to work hard, do our best, and not let pressure get the better of us. We also want to enjoy what we’re doing, our goal is to entertain and make the fans happy,” pag-amin nina Miguel at Bianca.