Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mga Mayor ang nagunguna

Ang mga alkalde ng bawat siyudad ang nangunguna sa listahan ng mga opisyal ng gobyerno na may maraming kasong naka-file laban sa kanila sa harap ng Ombudsman noong nakaraang taon.  Ipinapakita sa record na noong 2011 ay may 3,852 na kaso  na naka-file laban sa mga alkalde at 2,075 nito ang nakalagak sa anti-graft agency ng central office sa Metro Manila.

Hindi man ipinakita ang status ng mga complaints laban sa mga ito ay marami rin nakitang mga kaso hindi lamang sa Luzon kundi maging sa Visayas at Minadanao.
Dito lamang ipinapakita na kahit sino pa sa mga naka-posisyon ay hindi na ligtas sa mga padrino system dahil lahat ay kinakasuhan.  Ang pamahalaang Aquino ay totoo sa kanilang gingagawang pagtuligsa sa mga corrupt na opisyal upang maging mas mabuti ang paninilbihan sa mga mamamayang Pilipino at maging susi ng pag-unlad ng ating bansa.