Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mga Colorum at Out-of-line, alisin!

Umaapela ang ilang kongresista  sa  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na alisin na ang mga  colorum at out-of-line na bus.  Ang dahilan ay ang sangkatutak na problema sa trapiko sa kahabaan ng EDSA.  Ayon kay  Navotas City Rep. Toby Tiangco, dating chairman ng House Committee on Metro Manila Development, matagal nang hiniling nito sa LTFRB na magsagawa ng operasyon laban sa nagkalat na colorum at out-of-line na bus na bumibyahe sa EDSA at sa iba pang bahagi ng bansa.

Nabatid na umaabot sa mahigit sa 100,000 ang co­lorum at out-of-line na bus ang nagkalat sa Metro Manila na nagpapasikip sa daloy ng trapiko.

Sinabi naman ni San Juan City Rep. Joseph Victor Ejercito, kasalukuyang chairman ng nasabing komite, na maliban sa paghuli sa mga colorum, out-of-line ay alisin ang buntis at kabit system sa mga pampasaherong bus.-(Abante-Tonite)