Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Mga bayaning Pilipino nagbigay inspirasyon sa 14th Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino awards

Angel Locsin, Julius Babao, Robi Domingo, Judy Ann Santos at iba pang Kapamilya stars, nagbigay-pugay sa Bayaning Pilipino awardees 
na mapapanood pa rin via TFC IPTV at online (www.TFC.tv) sa key countries worldwide

Magkakaiba man ang pinangagalingan, nagsama-samang namang nagbigay ng inspirasyon ang mga hinirang na mga makabagong bayani sa sa katatapos lamang na 14th Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards sa Dolphy Theater sa ABS-CBN headquarters sa sentro ng Quezon City.

Sa ika-22 na taon, ginawaran bilang mga grand winners ang tatlong indibidwal, dalawang kabataan at dalawang grupo tumutulong sa kanilang mga kapwa: Bayaning Pilipino si Fructosa Alma “Neneng” Olivo ng Maa, Davao na tumutulong sa mga Badjao tatlong dekada na ang lumilipas; at Bayaning Kabataang Pilipino si John Mark Odani ng Maitum, Saranggani sa pagtulong sa mga kababaihan at kabataan ng T’boli tribe; at Bayaning Samahang Pilipino ang Psoriasis Philippines Online Community, Inc. (PsorPhil) ng Mandaluyong City sa pagaalalay sa mga taong may sakit na psoriasis. Para naman sa Global Bayaning Pilipino Awards, hinirang na Bayaning Pilipino sa Qatar si Noli Perez na tumutulong sa mga kababayan kahit na pinagbabawalan pa ng lokal na gobyerno na magsagawa ng paggawa ng mga bagay maliban sa trabaho, at sa South Korea si Katherine Corteza ng Itaewon Global Village at Philippine Women’s Club; Bayaning Samahang Pilipino – North America ang Building Lives for A Better Future (BLBF) ng San Diego, U.S. na tumutulong sa mga elderly sa mga mahihirap sa San Diego, California, at maski na sa Pozzorubio, Pangasinan at Mexico; at Bayaning Kabataang Pilipino – North America si Loizza Aquino ng Winnipeg, Canada na bumuo ng Peace of Mind 204 upang magbahagi ng impormasyon tungkol sa mental health.

Bilang pagpapatuloy sa tradisyong sinumulan ng kaniyang amang si ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus Eugenio “Geny” Lopez Jr., at inilunsad ng ABS-CBN at Ugat Foundation noong 1995, mismong si ABS-CBN Corporation Chairman at ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. Chairman Emeritus Eugenio “Gabby” Lopez ang namuno ng pagpaparangal sa mga makabagong bayani na hindi man kilala o kaya naman may kakayanan na tumutulong sa mga nangangailangan ay patuloy na tumutulong sa kani-kanilang paraan nang walang hinihinging kapalit.

Ayon kay Lopez, maraming kahulugan ang pagiging bayani at hindi ito nasususakat sa estado sa buhay: “Heroism can mean a lot of things. Not all heroes have grand titles nor do they enjoy vast sources at their disposal. What true heroes possess is their capacity to go above and beyond their limits and own flaws, passionate in what they can to improve the human condition”.

(Maraming kahulugan ang salitang kabayanihan. Hindi lahat ng bayani ay mayroong matataas na titulo o pag-aaaring yaman. Ang totoong bayani ay may kapasidad na malagpasan ang kanilang mga limitasyon at kakulangan, at gagawin ang lahat upang mapabuti ang kalagayan ng iba)”.

Bukod dito, ani UGAT Foundation Project Director Fr. Nilo Tanalega, S.J. ang Bayaning Pilipino awards ay isang napapanahong pagkilala sa mga bayaning Pilipino: “Ang paggawad sa mga bayaning Pilipino ay alternatibong solusyon sa kasalukuyang mga naghahasik ng dahas at lagim. Ngayong, sila ay kikilalalanin at gagawaran. Sila ay naghasik din ngunit hindi ng dahas at lagim kung hindi ng tulong at pagkalinga kahit na walang kapalit na bayad o gantimpala”.

Sa formal ceremonies sa pangunguna nina award-winning broadcaster Julius Babao, multi-awarded host Robi Domingo, at Queen of Primetime Judy Ann Santos, kasama si Box Office Royalty Angel Locsin at iba pang premyadong mga artista, ibinahagi nila ang mga kuwento ng mga tinaguriang ordinary individuals performing extraordinary acts. Magkakaiba man sila ng adbokasiya, pinagbuklod-buklod ang mga winners ng iisang hangarin – ang buong pusong paglingkuran ang kanilang kapwa, dala ang kanilang kalinangan sa kani-kanilang industriya:

Binigyan din ng special citation si Darlito Palermo ng Tagum City, Davao na nagpamalas ng kahusayan at pagiging mabuting lider ng kanilang samahan na pawang mga PWDs (Persons with Disabilities). Aniya; “ang kapansanan ay sa isip lang, ang kakulangan ay hindi dahilan upang ganap kang makatulong sa iba”.