Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

Medical Care Recommendation

Kilala ang Japan sa buong mundo na may pinaka-maayos at systematic na healthcare system na mapapatunayan sa average life expectancy ng bawat Japanese hanggang edad 84 pataas. Ito ay dahil na rin sa maayos na medical facilities pati na rin ang iba’t ibang dalubhasang doktor sa kani-kanilang field na tutulong upang bumuti ang kalagayan ng bawat pasyente. Narito ang ilang dalubhasa sa kani-kanilang field na maaaring makatulong sa kung anumang kondisyon ng isang pasyente. 

1. Sakakibara Memorial Hospital

Isa sa pamosong ospital na rekomendado ng marami ay ang Sakakibara Memorial Hospital. Ang ospital na ito ay nag-i-specialize sa treatment, screening at examination na related sa sakit sa puso. Maraming mga dalubhasa sa cardiovascular sa hospital na ito na maaaring tawagan. Isa sa mga dalubhasang doktor sa ospital na ito ay si Dr. Tanaka Takashi.

Address: 183-0003 Tokyo-to Fuchu-shi Asahicho 3 -16-1
Contact number: +81 42-314-3111
Website: http://www.hp.heart.or.jp/

2. Nakamura Memorial Hospital

Ang ospital na ito ay nag-i-specialize sa neurosurgery at neurology internal medicine. Mula nang i-establish nila ang neurosurgery noong 1967, tuluy-tuloy ang kanilang pagsusuri at pag-aaral upang mas matutukan ang mga pasyenteng may karamdaman tulad ng epilepsy, Parkinson’s disease, diagnosis ng cerebrovascular disorder, kasama na riyan ang mga dalubhasang surgical treatment ng brain tumor at chemotherapy. Isa sa specialists ay si Dr. Sasaki Takehiko.

Address: 060-8570 Hokkaido Sapporo-shi Chuo-ku, Minami 1 Nishi 14-291
Contact number: 011-231-8555
Website: http://www.nmh.or.jp/

3. National Cancer Center Hospital

Nasa ospital na ito ang patuloy na pagsasaliksik upang mapuksa ang karumal-dumal na sakit ng iba’t ibang klase ng cancer. Nandito rin ang mga dalubahasa upang makatulong sa mga pasyente para maibsan ang sakit na cancer.

Address: 104-0045 Tokyo-to Chuo-ku Tsukiji 5-1-1
Contact number: +81-3-3542-2511
Website: https://www.ncc.go.jp/en/index.html

Doctors:

  • Dr. Fumihiko Matsumoto – Department of Head and Neck Oncology
  • Dr. Masaaki Ito – (Colon) – Current head of Department of Colorectal Surgery and Surgical Technology, National Cancer Center Hospital East
  • Dr. Kazuaki Shimada – Deputy Director ng National Cancer Center at dalubhasa sa Pediatric Surgery Hepatobiliary and Pancreatic Surgery
  • Dr. Takuji Okusaka – Department of Hepatobiliary and Pancreatic Oncology

4. Nihon University Itabashi Hospital

Ang university at ospital ay itinayo upang magkaroon ng mas ibayong pagri-research para tuklasin ang mas advance na treatment para sa cancer patients. Dalubhasa sa hapatobillary surgery, living donor liver transplantation at immunotherapy for tumor si Dr. Tadatoshi Takayama.

Address: 173-8610 Tokyo-to Itabashi-ku Oyaguchikamicho 30-1
Contact number: +81 3-3972-8111

5. Shizuoka Cancer Center

Dalubhasa sa pancreatic cancer sa ospital na ito si Dr. Katsuhiko Uesaka na Medical deputy director.

Address: 411-0934 Shizuoka-ken Sunto-gun Nagaizumi-chuo Shimonagakubo 1007
Contact number: +81 55-989-5222
Website: https://www.scchr.jp/en/index.html

6. Kitakyushu Municipal Yahata Hospital

Ang pilosopiya ng ospital na ito ay mas palawigin ang pagbibigay ng mahusay na medical treatment sa bawat pasyente na may karamdaman. Ang dalubhasang doktor ditto ay si Dr. Shigehiko Ito.

New Address: 805-0059 Fukuoka-ken Kitakyushu-shi Yahatahigashi-ku Ogura 2-6-2
Contact number: 093-662-6565
Website: http://www.yahatahp.jp/

7. Aiwa Hospital

Ang hospital na ito ay nag-i-specialize sa gynecology o para sa mga kababaihan.

Address: 350-0001 Saitama-ken Kawagoe-shi Furukiyami 983-1
Contact number: 049-235-8811

Aiwa Women’s Clinic: 350-0043 Saitama-ken Kawagoe-shi Shintomicho 2-22 Hachiji Bank Kawagoe Building 2F
Contact Number: 049-222-8801
Website: http://www.aiwahospital.or.jp/

PAALALA: Ang nakalathalang pangalan ng mga ospital at doktor ay base sa aming pananaliksik. Ang bawat pasyente ay may kanya-kanyang opinyon o desisyon kung saan at kung sinong dalubhasang doktor ang gusto nilang puntahan. Maaaring sumangguni at tumawag sa mga ospital na nag-i-specialize sa partikular na karamdaman. Kung kayo ay na-diagnose ng isang karamdaman, kayo ay malayang kumuha ng pangalawang opinyon. Nasa inyo pa rin ang choice kung sino ang inyong pipiliin na mangangalaga sa inyo.

Narito ang karagdagang references sa paghahanap ng mga tamang hospital at mga dalubhang doktor:

http://www.hospital-ranking.net/index.html
http://www.doctor-map.info/
https://www.qlife.jp/ https://hospia.jp/