Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Marcos deposits nawawala

Naglahong parang bula ang milyong-milyon cash deposits ng mga Marcos sa kabila ng isang freeze order sa account nito. Mula sa orihinal na Php 40 milyon ay Php 1 milyon na lang ang natira kaya nagtataka ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ng Office of the Solicitor General (OSG). Dahil dito, naghain ng 12-pahinang mosyon ang dalawang ahensya upang ipaimbestiga si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos. (Abante)