Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mar, ipinadala sa Tsina

Nang makumpirmang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), ipinadala ni Pangulong Aquino si Sec. Manuel ‘Mar’ Roxas sa Tsina upang maging special envoy ng bansa sa 9th China-ASEAN Expo sa Nanning kung saan inaasahan ng pangulo na makikilala ni Roxas si Chinese Vice President Xi Jinping at ilahad ang mensahe ng pangulo na hindi nito nasabi kay President Hu Jintao. Tumanggi naman si Roxas na isiwalat sa publiko kung ano ang mensahe ni Pangulong Aquino kay Vice President Xi. Samantala, inaayos na ng Department of Foreign Affairs ang schedule upang makatipon ni Roxas ang mga matataas na opisyal ng Tsina. (Philippine Star)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *