Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Mango Sago Pudding

Ang Mango Sago Pudding ay isang tropical dessert na inihahanda na may fresh at malamig na mangga na hiniwa pakuwadrado at may kasamang maliliit na tapioca pearls at sweetened coconut cream sauce. 

Sangkap:

  • 4 na hinog na mangga, hiwaing maliliit na pakuwadrado
  • 1½ tasang maliit na tapioca pearls
  • 2½ tasang coconut milk
  • ½ tasang coconut cream
  • ¾ tasang asukal
  • 1 kutsaritang asin
  • Tubig

Paraan:

  1. Pakuluin sa isang kaserola ang tapioca pearls, at habang kumukulo ay hinaan ang apoy, haluin hanggang maluto ito. Ang pagluluto ng tapioca pearls ay kadalasang mga 30 minuto.
  2. Pagkaluto ng tapioca pearls ay hanguin, salain at hugasan sa running water at itabi.
  3. Sa sauce pan, pagsamahin ang coconut milk, coconut cream, asin at asukal. Pakuluin at hayaang kumulo hanggang ang asukal ay matunaw. Pagkakulo ay itabi ito at pag hindi na mainit ay ilagay sa ref para lumamig.
  4. Sa isang mataas na baso, ilagay ang coconut milk mixture kasama ang sago at ilagay sa ibabaw ang pinalamig na mangga. Ihanda ng malamig.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net