Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Maja Salvador Magbabalik-Telebisyon Sa Bagong Teleserye na “Wildflower”

Pagbibigay-buhay ni Maja Salvador kay Ivy, ang babaeng ipaghihiganti ang kaniyang pamilya”.

Nagsimula noon February 13, ang kapanapanabik na kwento ni Ivy, isang babaeng nasaktan, dinurog ng nakaraan, at lalaban para sa hustisya at pamilya sa pinakabagong Kapamilya serye na “Wildflower,” tampok ang nagbabalik-telebisyon na si Maja Salvador.

Bago siya naging si Ivy na puno ng galit at poot, isa siyang batang babae na si Lily na (Xyriel Manabat), lumaki sa piling ng mapagmahal niyang mga magulang na sina Dante (Christian Vasquez) at Camia (Sunshine Cruz). Dala ng banta sa buhay ng amang abogado ay nilisan nina Lily ang kinagisnang bayan at lumipat sa Poblacion Ardiente.

Naging maayos naman ang mga unang linggo para sa pamilya Cruz, lalo na at mabilis na nagkaroon ng kaibigan si Lily sa katauhan ni Diego (Jesse James Ongteco).

Subali’t muling magugulo ang kanilang buhay nang magkagusto ang tatay ni Diego na si Raul (Wendell Ramos) kay Camia at muntik pa itong gahasain. Nalaman ito ni Dante at agad na magsasampa ng kaso laban kay Raul. Ang asawa ni Raul at mayor ng Poblacion Ardiente na siEmilia (Aiko Melendez) ang aayos ng kaniyang problema, upang maprotektahan din ang reputasyon ng kanilang pamilya.Vin Maja Joseph RK

Tuluyan nangguguho ang mundo ni Lily dahil sa biglang pagkamatay ng kaniyang ama, at sa pagkakawalay mula sa kaniyang ina. Masuwerteng makakatakas si Lily sa lupit ng mga Ardiente at matatagpuan ang sarili sa pag-aaruga ni Prianka Aguas (Priscilla Meirelles). Palalakihin siya nito na parang tunay na anak at sasanayin bilang paghahanda sa kaniyang paghihiganti.

Lilipas ang panahon at babalik si Lily sa Poblacion Ardiente bilang ang maalindog at mayamang si Ivy (Salvador) na hahamakin ang lahat para pabagsakin ang mga Ardiente. Dito, muli ring magkukrus ang landas nila ng kaibigang si Diego (Joseph Marco).

Kasama rin sa cast sina Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Vin Abrenica, Malou De Guzman, Ana Abad Santos, Arnold Reyes at Izzy Canillo. Ito ay sa direksyon nina Onat Diaz, Cathy Camarillo, at Raymond Ocampo, sa ilalim ng R.S.B. Production Unit na pinamumunuan ni Ruel Bayani.

Paano makakaapekto si Diego sa paghihiganti ni Ivy? Makuha niya kaya ang inaasam na hustisya para sa kaniyang mga magulang? Mayroon kayang puwang sa puso niya ang kapatawaran at pag-ibig?

Abangan kung paano paiikutin ni Ivy sa kaniyang mga palad ang pamilya Ardiente sa pagsisimula ng “Wildflower” na mapapanood na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *