Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Maine Mendoza at Carlo movie, Isa Pa Nga with Feelings

Si Maine Mendoza ay sumunod na rin sa paggawa ng pelikula kasama ang isa ring ABS CBN talent na si Carlo Aquino. Isa na rin si Maine sa roster ng Kapuso stars na nakagawa ng film projects sa rival network nito, ABS-CBN.

Ang ibang GMA-7 actors na nakagawa ng movie sa bakuran ng ABS-CBN ay sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff, at ang AlDub love-team partner ni Maine na si Alden Richards.

Marami na sa fans ni Maine ang naghintay sa pelikula nila ni Carlo na siguradong kikita rin sa takilya. Abangan!