Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Magnitude 7.1 na Lindol, Niyanig ang Abra Province

Umaga ng July 27 ay nagulat ang lahat nang makaramdam sila ng medyo may kalakasang pagyanig ng lupa.  Intensity 4 ang naramdaman sa Metro Manila pero ang sentro ng lindol ay natagpuan sa probinsya ng Abra sa parteng  Norte na nakapagtala ng 7.1 magnitude sa richter scale.  Agad na sumahimpapawid ang Pangulo ng Pilipinas na si Bongbong Marcos upang ibalita ang masaklap na nangyari sa lalawigan ng Abra.  As of this writing, nasa 100 katao na ang nai-report na nasawi at may mga casualties rin.  Malaking pinsala ang idinulot ng naturang lindol at ito ay tinawag nilang “The Big One” sa Norte.

Inatasan agad ni Pangulong Marcos Jr. ang Secretary ng DSWD ( Department of Social Welfare and Development)  na si Secretary Erwin Tulfo upang lumipad patungong Abra para alamin ang casualties at mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong mamamayan sa naturang lugar.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang operasyon sa lugar at nagpamahagi na rin ng tulong para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *