Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Maging Aktibo sa Panahon ng Pandemic

Hindi pa totally lifted ang restrictions para sa lahat. Dapat ay lagi pa rin sa loob ng tahanan at bawal pa rin lumabas ang mga bata at senior citizen, Patuloy man ang pagbabakuna ay mayroon pa ring hindi pa nababakunahan kaya naroon pa rin ang risk na magkahawahan.

Unti-unti na rin nasasanay ang mga tao sa bagong reyalidad na kanilang niyayakap. Hangga’t nariyan ang covid-19 ay nariyan pa rin ang panganib. Yan ang dapat malaman ng lahat. Hanggang hindi sinasabi ng WHO organization na nagapi natin ang COVID virus ay huwag tayong magpakamapante dahil anytime at pwede tayo nitong atakihin.
Ang tanging magagawa natin para sa bansa at lalo na para sa ating sariling kaligtasan ay ang sumunod sa lahat ng health guidelines ng ating pamahalaan. Ang ating kalusugan na dapat nating pagtuunan ng pansin at kailangan ay maging active tayo kahit na naka-tengga tayo sa ating pamamahay. Gawing productive ang ating buong maghapon, maging aktibo para hindi matulog ang ugat sa ating katawan at para maging patuloy ang regular at healthy flow ng ating dugo. Simple lang na bagay pero malaki ang maitutulong nito sa atin lalo na sa ating kalusugan.

Nung kasagsagan ng lockdown ay parang nabagsakan ng malaking problema ang bawat isa sa atin. Para tayong nakakulong sa hawla na pinutulan ng kalayaan, parang giyera na mahirap lumabas dahil baka umatake ang kalaban, kalabang hindi nakikita ng ordinaryong mata.

Nagpayo ang mga duktor na manatiling aktibo para tumaas ang ating immune system na panlaban sa covid.
Ang regular na physical activity ay nakakatulong upang maging mababa o maging normal ang ating blood pressure na makakatulong din sa pagbabawas ng timbang at magiging malayo sa sakit sa puso. Kailangang ma-improve ang ating blood circulation at muscle activity. Ito ang mga bagay na kahit maliit man ay malaki ang maitutulong laban sa covid.

Gawing regular ang mga physical activities sa loob ng tahanan o kahit sa inyong garden para ma-improve ang inyong well-being.

Ang pagiging active ay may kanya-kanyang katergoya o age group, dito itinatanong kung gaanong physical activity ang pwedeng gawin na ayon sa edad.

May mga rekomendasyon ang World Health Organization (WHO) ayon sa edad kung gaano ba kabigat ang physical activity ang dapat gawin ng isang indibiduwal.

1. Mga babies o sanggol sa wala pang 1 year old. Ang infants o nakakaupo at nakakatayo ay kailangang physically active sa halos buong araw. Para sa hindi pa kayang tumayo o umupo, sa loob ng 30 minutos ay nakadapa para maigalaw niya ang kamay, braso at binti at mga paa, leeg, ulo etc. habang sila ay gising. Ito ay para maging regular ang daloy ng dugo sa kanilang katawan.

2. Mga batang 5 taon. At least 1 oras na paglalaro at pagkilos ng buong katawan ang kailangan. Para naman sa 4 na taon pababa mga 1 oras ay pwede ang moderate to vigorous physical activity. Meaning, paglalakad at pakikipaglaro sa kapatid etc. kung makakatakbo ay mainam din pero dapat ay alalay.

3. Mga bata at adolescents na edad 5 hanggang 17 taon. Kailangan ay 1 oras na aktibidad moderate to vigorus physical activity. Kasama na dito ang paggalaw ng buong katawan na makapagpapatibay ng muscles at buto. Pwedeng gawin ito 3 beses sa isang linggo. Ang paggalaw ng buong katawan o mga activities na ginagawa ng mga bata ay dapat kahit 1 oras araw-araw ay makakatulong sa kalusugan nila.

4. Para sa adults na o mula 18 years old pataas. 2 oras at kalahati araw-araw at makakatulong sa kanilang kalusugan o at least 75 minutes na vigorous activities sa buong linggo. Para sa karagdagang health benefits at least 5 hours a week ang kanilang physical activity na pwedeng gawin. Ito ay upang makatulong sa kanilang musculoskeletal health, para maging matatag ang muscles. Sa older adults na hindi makalakad o hindi masayado makagalaw dahil may kani-kaniya silang condition, pwede silang gumawa ng physical activity 3 o higit pa (depende kung kaya nila) sa loob ng isang linggo.