Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mababang psychological rating ni Sereno, walang epekto

Sa lahat ng nominado bilang Punong Mahistrado, si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay nakakuha ng pinakamababang rating na “4”. Kaugnay nito, nakatanggap ang Judicial and Bar Council (JBC) ng isang 11 pahinang Psychiatric and Psychological Report mula sa mga doktor na nagsuri sa walong kandidato. Ayon sa report, ang pagngiti ni Sereno ay isang senyales na ito ay emosyonal na maaring hudyat na gumawa ito ng mga desisyon ayon sa nararamdaman nito. Ngunit sagot ng JBC, hangga’t walang diagnosis ng psychosis ang isang tao, patuloy ito sa nominasyon bilang Punong Mahistrado at walang epekto ang nakuhang marka ng mga ito sa psychological screening para mapili. (Philippine Daily Inquirer)