Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

LPA, naghatid ng ulan sa Visayas

Isang shallow low pressure area (LPA) ang namataan sa may Samar na nagbunsod sa pag-ulan sa lugar ngunit maliit ang posibilidad na maging isang tropical cyclone ito. Kung mangyari mang lumakas ito, ito ay papangalanang “Karen”, ang ikalabing-isang cyclone na papasok ng bansa. Kahit na inaasahang hihina ang LPA sa loob ng 12 oras ay patuloy pa rin ang pagmonitor dito ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. (Sun Star)