Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

“Love Thy Woman,” Pinakabagong Family Drama sa Hapon

Kaya ngaba ng puso na magmahal nang pantay?

Dalawang pamilya ang maglalaban para sa pag-ibig sa pinakabagong teleseryengpagbibidahan nina Xian Lim, Yam Concepcion, at Kim Chiu sa “Love Thy Woman,” nanagsimula noong Pebrero 10 (Lunes).

Tampok sa family drama ang inaabangang pagbabalik-teleserye ng tambalan nina Kim atXian, ang teleserye comeback ni Yam pagkatapos ng “Halik,” at ang star-studded cast nakinabibilangan nina Eula Valdes, Sunshine Cruz, Zsazsa Padilla, Ruffa Gutierrez, atChristopher De Leon.

Iikot ang kwento sa isang modernong Filipino-Chinese family na pinamumunuan ngamang si Adam (Christopher) na ang hangad ay mahalin nang pantay ang dalawa niyangpamilya–ang unang asawang si Lucy (Eula) at anak nilang si Dana (Yam), at angpangalawang asawang si Kai (Sunshine) at anak niya ritong si Jia (Kim).

Kahit na tanggap ng dalawang asawa ang sitwasyon, patuloy pa rin ang alitan sa pagitannila at maapektuhan nito ang relasyon ng kanilang mga anak.

Isang gabi ang wawasak sa pamilyang Wong dahil maaaksidente si Dana at ang asawaniyang si David (Xian) sa gabi ng kanilang kasal, at malalagay sa coma si Dana.

Habang hinihintay nilang magising si Dana, mabububuo naman ang mas malalim narelasyon sa pagitan nina Jia at David na gugulo sa kanilang buong angkan.Anong mga tagpo ang maghihintay sa paggising ni Dana? Hanggang kailan kayangpumagitna ni Adam sa pagsasama ng dalawa niyang pamilya?

Ang “Love Thy Woman” ay mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian, Andoy Ranay, at Jerry Lopez Sineneng.