Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

“Los Bastardos,” pumalo sa all-time high rating

Inabangan ng mas maraming Pilipino ang mga maiinit na eksena ng Kapamilya seryeng “Los Bastardos,” kaya naman humataw ito sa bago nitong all-time high national TV ratings.

Isa sa kinikiligan ang eksena na umani pa ng sari-saring papuri mula sa netizens ay ang proposal ni Isagani kay Isay. May matinding chemistry sina Jake at Maxine bilang Isagani at Isay. Mararamdaman mo ‘yung matinding pagmamahal sa screen. At patuloy din ang bakbakan at tagisan ng talino ng apat pang Cardinal sina Lucas (Albie Casino), Matteo (Marco Gumabao), Lorenzo (Joseph Marco) at Connor (Joshua Colet).