Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Line 2 hanggang Rizal na

Buong pasasalamat na ipinahayag ni Rizal Governor Jun Ynares ang extensyon ng LRT Line 2 mula Santolan hanggang sa Masinag Junction sa Antipolo. Ang proyektong ito ang popondahan ng Php 9.76 bilyon at magiging 16.75 kilometro na ang kabuuang haba ng Line 2. Inaasahan na ang konstruksyon ng LRT line ay magbibigay daan sa mas mabilis na transportasyon ng mga mamamayan sa lalawigan ng Rizal patungo sa iba’t ibang distritong pangkomersiyo, pang-industriya at pang-edukasyon sa Kalakhang Maynila. (Abante)