Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Linapwahan

Ang Linapwahan ay pinaghalong limang klase ng gulay (malunggay leaves), drumsticks (malunggay fruit), green papaya, saluyot, okra, alugbati, squash, string beans, ampalaya, talong at spinach. Siguradong magugustuhan ng mga vegetable lovers dahil bukod sa masarap ay masustansya pa.

Sangkap:
  • 250 g katamtamang laki ng hipon, may balat
  • 1 pirasong daing na bisugo, himayin
  • ½ maliit na butternut squash, hiwaing pakuwadrado
  • 1 maliit na berdeng papaya, hiwaing pakuwadrado
  • 6 pirasong bunga ng malunggay, trimmed at hiwain
  • 1 malaking ampalaya, hiwain
  • 10 piraso ng okra
  • 1 bungkos ng saluyot
  • 1 bungkos ng malunggay
  • 4 tasang tubig
  • 1 puting sibuyas, tadtarin
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 2 katamtamang laki ng kamatis, tadtarin
  • bagoong monamon ( bagoong isda)
  • paminta
  • mantika
Paraan:

1. Balatan ang hipon at itabi ang balat. Ilagay ang balat sa blender na may 2 tasang tubig. I-blend at pagkatapos ay hanguin at saka salain ang juice na nakuha sa binlender na hipon. Itabi.

2. Lagyan ng konting mantika ang kaserola at igisa ang bawang at sibuyas, ihalo ang hinimay na daing paglumambot na ang sibuyas.

3. Lagyan ng tubig at isama ang likido mula sa na-blend na hipon at ilagay ang kamatis. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto sa mahinang apoy.

4. Ilagay ang butternut squash, papaya at bunga ng malunggay at hayaang kumulo pa sa loob ng 5 minuto.

5. Idagdag ang okra at ampalaya at pakuluin pa ng 3 minuto.

6. Ilagay ang hipon, saluyot at dahong malunggay at pakuluin sa loob ng 2 minuto. .

7. Lasahan ng bagoong monamon at paminta.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *