Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Let’s Fight Coronavirus: Together We Will Heal As One!

Hindi makakalimutan ng buong mundo ang taong 2020. Ito na siguro ang pinaka-masama at pinakamahabang bangungot at gustung-gusto na nating gumising. Pero ito ay hindi panaginip. Ito ay tunay na nangyayari hindi lamang sa isang bansa kundi sa buong mundo.

Ang Coronavirus na kumitil na ng mahigit sa 1 milyon tao sa buong mundo. Ang novel SARS-CoV-2 coronavirus (COVID-19) na nag-umpisa sa siyudad ng Wuhan, China noong nakaraang taon (2019) at kumalat na sa mahigit 70 bansa na kaya naging pandemic na kumikitil ng maraming buhay. Ito ay produkto ng natural evolution ayon sa journal Nature Medicine. Natural evolution, meaning, nag-progress ang virus mula sa pagiging simpleng vrus at sa pagdaan ng
panahon ay nagkaroon ng progression dahil na rin siguro naga-adapt ito sa pagbabago rin ng panahon. Unang lumabas ang SARS noong late 2002 at at mabilis na kumalat sa kalapit bansa ( 24 countires) na-report sa na ito ay na-contain after 4 months at mula noon ay wala nang balita ukol dito.

Ayon sa pananaliksik ng mga dalubhasa, ang SARS-CoV-2, MERS-CoV, at ang orihinal na SARS-CoV ay nagmula sa bat ( paniki) at kumalat mula sa infected civets at sa tao. Samantalang ang MERS-CoV naman ay kumalata sa pamamagitan ng mga infected dromedary camels at sa tao. Tinatamaan ng COVID-19 ang respiratory system ng isang infected na tao na sa bandang huli, kapag hindi kinaya ng katawan ng tao ay nagiging sanhi ng kamatayan.

Deadly virus ang kalaban ng mundo. Mula sa SARS at MERs, ang mas progressive na COVID-19 ay kumitil na ng maraming buhay sa buong mundo. Lahat ngayon ay nagtutulong-tulong kung paano iko-contain ang virus. Mahirap, OO, mahirap ang sitwasyon dahil marami ang populasyon ng mundo. Sa dami ng tao, hindi mo maiwasan na magkahawahan. Ang bawat namumuno sa bawat siyudad ay nagpapayo ng social distancing. Ang bawat pamahalaan ay nag-utos ng Enhanced Comminity Quarantine, at mayroon ding nag-utos ng lockdown.

Ang Enhanced Comminuty Quarantine ay para sa mga tao na pinapayuhang manatili sa kani-kanilang mga tahanan upang maiwasan ang pagkakahawahan kung sakaling ang isa ay may sintomas na ng virus. Ang social distancing na nagu-uutos na lumayo sa mga tao mga 6 feet away para hindi mahawahan ng droplets o kahit hininga ( airborne) ng mga may sakit o infected. Sa panimula, may babala na mag-ingat ang mga may chronic diseases o may medical issues tulad ng may heart problems, diabetic, may mga copd o lung problems, mga may high blood pressure na makikita sa mga taong ang edad ay 60 taon gulang pataas dahil mahina diumano ang immune system ng mga naturang
indibiduwal.

Pinayuhan ding panatilihing malakas ang pangangatawan, tamang ehersisyo at kumain ng tama at  uminom ng maraming tubig at vitamins para lumakas ang immune system na pwedeng ipanglaban sa naturang virus.

Ang ibang mga payo ng mga eksperto, ang proper hygeine. Maghugas ng kamay ( 20 segundo) bago hawakan ang mukha, umiwas muna sa pagyakap o paghalik kung kinakailangan, maglagay ng protective mask paglabas ng bahay kung may kinakailangang bilhin at magsuot ng gloves para hindi mahawakan ang mga surfaces na nahawakan ng iba na hindi mo alam kung ang nakawahak ay isang infected na indibiduwal.

Mula Enero hanggang sa kasalukukyan ay patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nako-kontamina, nagi-infect o nahahawa, at ang pinakamasakit ay yung mga namamatay dahil sa COVID-19. Sa araw-araw na pagbabasa at panonood ng balita, nakita kong may mga chart na kung anong bansa ang nangunguna at nahuhuli sa bilang ng mga nai-infect, nagkakasakit at namamatay. Kasama rin sa chart ng bawat bansa ang bilang naman ng nakaka-recover na
pasyente.

Kung aking iisipin, aba’y parang contest. paramihan ba o pakontian? Kung ibang klaseng paligsahan yan, eh gugustuhin ng isang namumuno ng bansa na ang kanyang bansa ang manguna, PERO kung ang “contest” na ito ay tungkol sa COVID-19, mas gugustuhin ng mga namumuno ng bawat bansa na nasa huli sila ng listahan. Hindi nila gustong manguna. Sa kasalukuyan, ang frontliners na tinatawag nating mga bayani ay yung mga healthcare workers kasama na ang mga duktor at nurses dahil sila ang naka-front at humaharap sa mga infected individuals at sila ang nagtutulung-tulong upang magamot ang may sakit.

Bukod sa mga healthcare workers, nariyan din ang media people na naghahatid ng blow by blow account kung ano ang nangyayaring kaganapan sa labas mula umaga hanggang gabi dahil naka-impose nga ang ehanced community quarantine, nariyan din ang mga Kapulisan at Army na tumutulong sa seguridad ng bawat komunidad para mapahupa ang anuman tensyong nagaganap sa kapaligiran.

May nababalitaan man tayong nagkakaroon ng sakitan at involved ang Kapulisan at mga ordinaryong mamamayan na nag-rally dahil wala pa silang natatanggap na ayuda o relief mula sa gobyerno, dapat ay magkaroon tayo ng tamang pang-unawa at iwasan ang init ng ulo. Para sa mga ordinaryong mamamayan, matutong magkaroon ng disiplina at sumunod sa babala ng mga namumuno sa inyong komunidad, kapag sinabing social distancing, dapat itong sundin, dahil kapag kayo ay nahawahan, hihingi din kayo ng tulong sa pamahalaan upang kayo ay magamot. Para sa mga Kapulisan, dapat maging mahinahon at i-observe ang maximum tolerance sa ganitong crucial times.

Dapat unawain ng mga mamayan, HINDI ISANG KOMUNIDAD LAMANG, ang apektado ng Covid-19, kundi BUONG MUNDO. Bawat pamahalaan ng bawat bansa ay gumagawa ng paraan upang pakalmahin ang kanilang nasasakupan. Mahirap at masakit ang desisyon nilang Stay at Home at Enhanced Quarantine para sa mga tao dahil alam nilang magkakaroon ito ng hindi magandang epekto sa lahat ng aspeto. Ang negosyo, ang trading sa bawat bansa at sa buong mundo. Sa ngayon, lahat ay bagsak. Kailangang gamitin ng bawat bansa ang kani-kanilang reserved currency upang magpatuloy ang pagtakbo ng mga essential businesses at kalakarang pinansyal.

Ang ikinatatakot pa ng marami ay ang worlwide recession. Dapat ay kapit-bisig tayo upang hindi humantong sa ganitong senaryo. Magtulung-tulong sa abot ng ating makakaya. Tulungan natin ang ating mga lider ng bansa upang mapadali sa kanila ang padedesisyon para sa ikabubuti ng kanilang mga  nasasakupan.

Patuloy nating suportahan at ipadagdasal ang ating mga FRONTLINERS upang sila ay maging malusog at maging matatag na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa “Silent Killer”na kalaban ng buong mundo.

SA MGA FRONTLINERS, HEALTHCARE WORKERS, DUKTOR, NURSES, KAPULISAN, ARMED FORCES, MGA PRIVATE SECTOR AT SA MGA LIDER NG IBA’T IBANG BANSA SA BUONG MUNDO, MARAMING, MARAMING SALAMAT SA INYO! Sama-sama tayong labanan ang Coronavirus. Together, We Will Heal As One!

Stay safe and healthy. God Bless us All!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *