Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Landslide sina Bongbong at Sara!

Sa survey pa lang ay alam na halos ng karamihan kung gaano kamilya-milyang iiwan ng tambalang Marcos-Duterte ang kanilang mga katunggali.

Subalit hindi talaga alam ng mga botante yung numerong magdadala sa kanila sa pagkapanalo.  Nung sinimulan pa lang ang pagbibilang ay marami na ang nagging mapagmatyag dahil ayaw nilang madaya ang kani-kanilang mga kandidato, subalit nang bumuhos na ang mga numero sa tv screen ng iba’t ibang media entity at nakita nila ang mga numbers ay nagulat sila dahil malaki ang kalamangan ng BBM-Sara tandem sa kanilang mga katunggali.

Nasambit na lang nila,” Ay! Ito pala yung sinasabing 58%  sa survey ni BBM”. Marami ang na-excite at natuwa dahil kung ilang milyon na agad ang lamang ng BBM-Sara team, kaya nung gabi ring yun ay dumagsa ang maraming supporters ni Bongbong Marcos sa kanyang headquarters upang doon nila ipagdiwang ang pagkapanalo ng kanilang kandidato.  Umabot sa 31M mahigit ang bumoto kina Bongbong at Sara at nasa 14M lang ang rumehistrong boto para kay VP Leni Robredo at mahigit 9M naman kay Kiko Pangilinan. Congratulations kina Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte.  Ayon sa mga political analysts na ito ang pinakamataas na nakuhang boto ng kandidato sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *