Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Laman ng relief packs, babaguhin ng DSWD

Pinaga-aralan na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na baguhin ang laman ng mga food packs na kanilang ipinamamahagi upang matiyak na ito ay magiging healthy at may makuhang nutrisyon ang mga makakatanggap nito.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo na nagmungkahi si National Nutrition Council Executive Director Dr. Azucena Dayanghirang na kanya ring pinapaboran, na mas mabuting magdagdag ng gulay bukod sa relief packs na ipinamimigay sa mga kapuspalad. Aniya, ang kadalasang laman ng food packs ay sardinas, corned beef at noodles.

Sa nakaraang cabinet meeting ay isa ito sa inilatag na suhestiyon ng National Nutrition Council na inaasahan nilang papaburan rin ng Pangulo.