Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Kylie Padilla sa bagong primetime serye, “ Bolera”

Masaya ang mga tagahanga ni Kylie Padilla dahil magbabalik na ulit siya sa primetime drama series ng GMA 7, ang Bolera kung saan siya ang lead actress na makakasama ang ilan sa mahusay na artista tulad nina Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jak Roberto at Rayver Cruz.

Gagampanan ni Kylie ang isang billiards prodigy.  Para magampanan niya ng mahusay ang kanyang papel ay sumangguni rin siya sa mga professionals para maging mas makatotohanan ang kanyang papel.

Isang challenge kay Kylie ang naturang serye dahil kailangan niyang mapalabas na siya ay mahusay sa billiard na gamit ang kaliwang kamay.  Ang nagbigay ng excellent training kay Kylie ay sina SEA Games 2022 gold medalist Johann Chua at Rubilen Amit.