Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Kris Bernal, magiging Kapamilya na?

Pagkatapos ng teleseryeng “Little Nanay” kung saan nakasama niykris-bernal-with-rap-fernandeza ang mga batikang aktor at aktres na sina Nora Aunor at Eddie Garcia ay nanahimik ang kampo ni Kris Bernal. Hindi na siya naging visible sa mga TV shows. Ano na nga ba ang nangyari at mukhang napabayaan si Kris ng kanyang mother studio? Sa ngayon ay walang makapagsabi kung ano nga ba ang plano ng GMA network sa career ni Kris. May mga nasagap na balitang mukhang ang kanyang manager ay nakikipag-usap sa ABS-CBN subalit hindi nagbibigay ng kumpirmasyon ang naturang network ukol sa balitang ito. Kung anuman ang kahihinatnan ng usapan nila ay good luck kay Kris. Si Kris Bernal ay isa sa mga artista ng GMA 7 na masasabi nating may talent at kayang makipagsabayan sa mga mahuhusay nating aktor at aktres sa industriya.