Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kinamatisang Buto-Buto

Ang Kinamatisang Buto-Buto ay isang Filipino soup na ang sangkap ay buto-buto ng baboy at labanos na may kasamang kamatis, bawang at sibuyas.

Sangkap:

  • 1 1/2 kg ng buto-buto ng baboy (ribs, neck bones, tail)
  • 1 maliit na labanos, hiwain
  • 5 malalaking kamatis
  • 2 bungkos ng gailan, choysum o bok choy
  • 1 1/2 litrong tubig
  • 2 malaking sibuyas, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • patis
  • asin
  • mantika

Paraan:

1. Magpakulo ng tubig kasama ang buto-buto ng baboy. Hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto at saka patayin ang apoy.
2. Alisin ang pinagpakuluan at hugasan ang buto buto para maalis ang dumi at itabi ang mga piraso ng buto-buto. Lisinisn ang kaserolang pinagpakuluan.
3. Pagkalinis ng kaserola ay painitin ulit ito at lagyan ng mantika para igisa ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay ang kamatis hanggang maluto ito.
5. Ibalik ang buto-buto at ilagay din ang labanos.Lagyan ng 1 1/2 litro ng tubig, pakuluin at takpan at hayaang kumulo sa loob ng 1 1/2 hours sa mahinang apoy.
6. Ilagay ang gailan at bok choy at pakuluin sa karagdagang 2 minuto.
7. Lasahan ng patis at paminta.
8. Patayin ang apoy at ihain habang mainit na may kasamang mainit na kanin.

Photo credit: www.angsarap.net

For more recipes, please visit www.angsarap.net