Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Kim Chiu: Chinita Princess Dominates Digital Media

Photo credit from: ABS-CBN

Noong unang mga buwan ng lockdown, marami sa ating mga TV station at kasama na ang mga artista ang na-stuck sa kani-kanilang tahanan upang maging safe dahil sa pandemya. Mga kumpanyang temporaryong nagsara at mga ordinaryong empleyado ay nawalan din ng pagkakakitaan. Ang mga artista na kasama sa naapektuhan ay hindi nawalan ng pag-asa dahil ginamit nila ang social media para maka-reach out sa kani-kanilang mga tagahanga.

Sa kasagsagan ng padami ng cases ng coronavirus ay nagkaroon din ng isyu ang pagre-renew ng prangkisa ang ABS CBN. Lahat ng manggagawa kabilang na ang kanilang mga artsita ng ABS-CBN network ay lubhang naapektuhan.

Lahat ng paraan ay ginawa ng pamunuan upang maisalba ang istasyon subalit ipinasara pa rin ang naturang istasyon. Sa ganitong pagkakataon ay kumapit ang ABS-CBN sa iba’t ibang klase ng social media platform para maisalba pa rin ang mga manggagawang kanilang tinutulungan. May mga ibang talents na kailangan nilang pakawalan para lumipat sa ibang istasyon at may ilan din na kahit anong pilit ng ABS-CBN management ay nanatili pa rin maging ABS-CBN talent.

Isa sa ipinagmamalaking talent ng ABS CBN ay kasalukuyang humahataw sa social media at digital media. Ito ay si Kim Chiu. Hindi mo na kailangang ipagtanong kung sino siya dahil matagal na rin si Kim sa showbiz at ang kanyang pinagsimulan ay ang Pinoy Big Brother Teen Edition kung saan kasama niya noon si Gerald Anderson.

Marami nang accomplishments si Kim on her sleeves. Sa panahon ng pamamalagi niya sa showbiz ay nakakuha rin siya ng iba’t ibang citations, nominations at awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies at ito ang naging daan ni Kim upang ma-reach ang kanyang kasalukuyang kinalalagyan sa showbiz.

Nasaksihan nating lahat ang transformation ni Kim sa showbiz. Mula sa pagiging winner ng Pinoy Big Brother teen edition at ngayon ay isa na siya sa magiging co-host ng naturang programa kasama sina Toni Gonzaga, Robi Domingo, at Bianca Gonzalez. Bukod sa kanila ay kasama rin ni Kim sina Maymay Entrata, Edward Barber, Enchong Dee, Richard Juan at Melai Cantiveros.

Matapos ang matagumpay na Love Thy Woman na tinampukan ni Kim ay nakagawa rin siya ng digital movie na U-Turn kung nakasama niya sina Toni Lambrusca at JM De Guzman. At isa pang produkto ng digital ay ang kanyang “Bawal Lumabas” TV series. Ang “Bawal Lumabas” ay inspired sa nag-viral na statement ni Kim noong Mayo (kasagsagan ng lockdown). Versatile si Kim at yan ay produkto ng kanyang ilang taong pamamalagi sa Star Magic kung saan nahubog nang husto ang kanyang talent hindi lang sa pag-arte kundi sa pagiging co-host, at pagiging singer at ang huli ay pagiging vlogger.

Na- focus din si Kim sa pagba-vlog nitong huli dahil gusto niyang i-share sa kanyang mga tagahanga ang mga nangyayari sa kanyang paligid mula sa panahon ng lockdown hanggang sa kasalukuyan. Mga comments at opinions na pinanonood ng marami niyang tagahanga. Hindi mo maiaalis na magkaraoon din siya ng detractors pero hindi nito napigilan si Kim na ipagpatuloy ang kanyang vlog sa YouTube na umabot na ng 2M subscribers. Sa kanyang vlog ay hindi siya nangiming basahin pati ang hate comments. Kumabaga, pareho niyang binabasa ang like at hate comments kaya naman mas marami ang humanga kay Kim sa kanyang katatagan ng loob.
Isang example ng isang hater na binasa ni Kim ang comment, “Na-expose mo ang sarili mo Kim Chiu tanga ka talaga.”

Sinagot ito ni Kim, “Wala naman talagang tanga. Sadyang nagkakamali lang. At saka ‘yung mga pagkakamali na ‘yon it will help you grow. It will thicken your character in life. It will make you strong ‘yung mga pagkakamali natin. Kaya tayo binigyan ng pagkakamali para matututo tayo. So huwag tanga agad.”

Muling nag-renew si Kim Chiu ng kanyang kontrata sa ABS CBN. Although, akala ng iba ay lilipat rin siya ng istasyon katulad ng ilan sa kanyang mga kasama, nagpakita ng loyalty si Kim sa kanyang home studio at sa Star Magic. Kasama niyang nag-renew sina JM de Guzman, Robi Domingo, Joseph Marco, Enchong Dee, Kira Balinger, Andrea Brillantes at Jane de Leon. Para kay Kim, bukod sa pagiging mainstay ng “It’s Showtime” at “ASAP Natin ‘To,” napapanood din siya sa iWant TFC original series na “Bawal Lumabas,” at pagiging co-host ng “PBB: Connect.”

“Samahan kita, hindi ko kayo iiwan.” mensahe ni Kim Chiu tungkol sa kanyang pagiging Kapamilya muli nang siya ay pumirma ng panibagong kontrata bilangartista ng Star Magic. Masaya siya dahil ang ABS CBN ay itinuring na niyang tahanan sa loob ng ilang taon.

Hindi pa rin nawawalan ng pagasa ang aktres na muling babangon ang ABS CBN. “Isang pamilya tayo, sa hirap at ginhawa magtutulungan. Samahan kita, hindi ko kayo iiwan. Salamat sa tiwala na binigay nyo po sa akin. Better days are coming! Manalig lang tayo, hindi niya tayo pababayaan,” dagdag pa ni Kim.

Sa loob ng pananatili niya sa bakuran ng ABS-CBN ng 14 na taon, tinagurian si Kim na teleserye princess at sinasabi ng iba na siya na ang Reyna ng Star Magic na pinabulaanan naman agad ni Kim. “Hindi ako reyna. Marami pang mas matagal pa sa mundo ng Star Magic,” nag-expire na kasi ‘yung contract ko sa Star Magic and ABS-CBN, so ako ‘yung natira na medyo senior sa kanilang lahat,” paliwanag ni Kim.

“Don’t forget where you came from no matter how high you are. Dapat isipin mo pa rin kung sino ang nandiyan na tumulong sa ‘yo, nasaan ka man ngayon, don’t forget to give thanks. Humility. Look back. Huwag kang makakalimot kahit sobrang taas ka na. I know it is you, but there are people behind you who helped you get to where you are right now,” paglalahad pa ni Kim.

Kamakailan ay lumabas ang balitang pumasok sa ‘Asia’s 100 Digital Stars’ ng Forbes Asia ang ilan sa Kapamilya stars. Ito ay pagkilala sa kanilang star power sa social media at pagtulong na ginagawa nila ngayong may pandemya. Si Kim Chiu ay in-acknowledge din ng Forbes Asia para sa kanyang “Bawal Lumabas (The Classroom Song)” kaya kasama rin siya sa Asia’s 100 Digital Stars.

“I am just thankful for everything God has been giving me. My faith has been tested this year but I never gave up on trusting his will, ALL IN HIS GLORY! ALL FOR YOU FATHER GOD! THANK YOU Forbes for this recognition. There is truly LOVE AND LIGHT,” pasasalamat ni Kim Chiu na naka-post sa kanyang social media.

Ang pag-recognized ng Forbes Asia ang isa pang tagumpay ni Kim at kumabaga ay vindication sa salitang “Bawal Lumabas” na nag-viral sa social media. Maraming naging hate comments to the point na naging katatawanan pa si Kim at ito, ayon kay Kim, ang itinuring niyang lowest point ng kanyang buhay. Pero ang lahat nang yan ay nabura dahil sa recognition na naigawad sa kanya.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa vlogging at pag-appear sa shows ng ABS-CBN si Kim at sinabi niyang dito siya nagsimula sa ABS-CBN at dito siya mananatili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *