Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Kim Chiu and Xian Lim: No Hate, Just Love

Photo credit: ABS-CBN/ Dreamscape Entertainment/ Jojit Lorenzo

Sa mga loveteam noon ng ABS-CBN ay isa sina Kim Chiu at Gerald Anderson na masasabing successful. Sobrang sikat na pati ang kanilang mga pelikula ay kumita, subalit dumating sa puntong pati ang fans ay masyado nang naapektuhan sa pagiging magka-loveteam nina Kim at Gerald. Kumbaga, binakuran na nila ng husto kaya halos hindi na makahinga ang dalawa. At dito nag-desisyon na paghiwalayin ang dalawa at humanap ng kani-kanilang bagong kapareha.

Naging maingat ang ABS-CBN sa pagpili ng kasunod na ka-loveteam ni Kim after Gerald Anderson dahil sobrang successful nga nito, to the point na handang manakit ang mga tagahanga nila para sa kanilang iniidolo. Kumbaga, lumabis ang pag-protekta ng mga tagahanga sa kanilang loveteam kaya minabuti na rin ng pamunuan ng ABS-CBN na pagpahingahin muna ang kanilang loveteam at humanap ng iba para magkaroon ng variety ika nga. At habang nagi-isip sila kung sino ang ipapalit kay Gerald, dumating ang proyektong My Binondo Girl, kung saan nagkaroon ng tatlong leading man si Kim dito.Ito ay sina Jolo Revilla, Matteo Guidicelli, at Xian Lim. Tiningnan nila kung sino sa mga ito ang magki-click at magbibigay ng kakaibang kilig sa manonood.

Sa umpisa ay pinaboran ng mga tagahanga si Matteo kase nga parehong Cebuano at mayroong screen chemistry ika nga. Subalit, biglang nawala ang spark dahil lumabas ang balita na may relasyon sina Matteo at Maja Salvador. At magkaibigan sina Kim at Maja kaya parang awkward naman na kalambutsingan niya on-screen ang boyfriend ng kaibigan niya. So exit na ang Matteo-Kim loveteam, sumunod si Jolo Revilla na sa tingin nila ay malakas ang dating at may posibilidad na maging totoo dahil nakita ng mga staff at tao sa set kung gaano ka-thoughtful si Jolo. Mga pagkain na paborito ni Kim ay halos araw-araw na dinadala sa set. Nag-akala ang marami na mukhang matutuloy sa ligawanang nakikita nila sa set dahil mukhang maganda ang pakikitungo ng dalaga kay Jolo.Subalit nung tanungin si Jolo ay sinabi niya agad na wala siyang balak ligawan ang dalaga. Pagiging magkaibigan lamang talaga ang nararamdaman ni Jolo kay Kim. No more, no less.

At habang tumatakbo ang show ay nakikita na ng fans kung kanino bagay si Kim. Nagkaroon ng chemistry sina Kim at Xian at hindi lang on-screen kundi maging off-screen. Naging mabuting magkaibigan sila. At syempre, parehong single. Habang patuloyang show ay unti-unting nagpakita ng kakaibang giliw ang binata sa dalaga, na mismo ang staff ang nakakita kung paano haranahin ni Xian si Kim, magdala ng mga regalo, mag-compose ng awit para kay Kim at nagdi-date sila (although group date muna) kaya naman lalong naging interesting ang mundo sa paligid ng dalawa. Naging makulay ikanga. Bukod pa dun ay nagkaroon ng spark ang loveteam nila sa mga tagahanga at maykilig factor na.

At dito nabuo ang loveteam nina Kim at Xian bilang KimXi, pero ang akala ng iba ay hanggang dun na lamang at tapos na. Nagkaroon ng follow up project ang dalawa sa pamamagitan ng Ina, Kapatid, Anak. Naging bankable pair ang dalawa pero sa usaping puso ay naging maingat si Kim dahil ayaw niyang madaliin ang lahat. Ayaw ni Kim nagamitin ang success ng kanilang bagong loveteam para gawing totohanan agad. Gusto niya ay slowly but surely na sadya namang naintindihan ni Xian, naging matiyaga siya at mapagpasensiya, kahit yung mga dating tagahanga nina Kim at Gerald ay binansagansiya ng manggagamit. Hindi na lang ito pinansin ni Xian.

Sa umpisa syempre ang sinasabi nila sa mga interview na good friends sila at marami rinsilang bonding moments pagkatapos ng trabaho hanggang ang closeness nila ay nauwi nasa totohanan. Ang pagtitiyaga ni Xian ay nagbunga rin at naging ganap na sila na.

Sa mga loveteam ng ABS-CBN, ang loveteam nina Kim Chiu at Xian Lim ang namumukod tangi. Medyo matagal na rin silang magkasintahan. Kahit nagka-kontrata nasi Xian sa Viva ay hindi ito naging hadlang upang hindi sila magtambal.

Ilan taon ding hindi nakita sa isang teleserye ang dalawa pero ngayong 2020 ay lumabasang “Love Thy Woman“, kung saan mas matured na ang kanilang ginagampanang role.

Sa tagal din ng panahon ay kakaiba na ang aura nila sa harap ng screen at makikita mong naroon ang love sa kislap ng kanilang mgamata. Sa tagal na nilang magka-relasyon,marami ang nagtatanong kung kailan sila magpapakasal. Walang direktang sagot mula sa dalawa pero alam ng marami na naghahanda na rin sila at doon na ito patungo.

Hindi maikakaila na talagang mahal nila ang isa’t isa. Patunay na dito ang photos nila sasocial media na may iba’t ibang biyahe sa ibang bansa na magkasama.

Marami ang naging magka-loveteam sa bakuran ng ABS-CBN na kapanabayan nina Kimat Xian ang nabuwag na rin at may iba nang kapareha. Pero naging matatag angtambalang KimXi. Ngayon na umaani ng papuri ang kanilang show na Love Thy Womanat humahataw rin sa ratings ay masaya ang dalawa kasama ng iba pang cast. Buongpasasalamat ang kanilang ipinapaabot sa kanilang mga masugid na tagahanga at manonood.

Ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim ay isa sa mga magandang ehemplo ng mga magkatambal na naging totohanan, tahimik lamang at walang issue. Puro saya sila, at kung may tampuhan man ay siguradong madali nilang nare-resolba. Ito ang tinatawag ng marami na No Hate, Just Love na dapat tularan ng iba.