Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Kasong plunder laban kay Gloria, matibay

Kampante ang Office of the Ombusman na matibay ang ebidensya laban kay Pampanga Rep. Gloria Arroyo kaugnay sa hinaharap nitong kasong plunder. Ang kaso ay ipinataw kay Arroyo dahil sa sinasabing paglustay ng mahigit Php 366 milyong pondo ng PhilIppine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula 2008 hanggang 2010. Ayon kay Tanodbayan Conchita Carpio-Morales, nasa tamang landas ang Ombudsman sa ginagawa nitong imbestigasyon laban kay Arroyo. (Abante)