Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Kapamilya nanguna sa 19th Gawad Pasado Awards

Nagwagi ng anim na parangal ang ABS-CBN, Star Cinema, at Cinema One sa 19th Gawad Pasado Awards na inorganisa ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO), na ginanap kamakailan sa De La Salle University.

Ang Gawad PASADO ay isang grupo ng mga film educators sa bansa na taon-taong binibigyan ng parangal ang mga artists, direktor, pelikula, TV shows, at musika na nagbigay nang magandang kontribusyon sa larangan ng social studies, language, arts, at humanities.

 Nanguna sa mga pinarangalan sina Charo Santos-Concio at Vilma Santos na itinanghal na Pinakapasadong Aktres. Ito ay para sa pagganap ni Santos-Concio sa pelikulang “Ang Babaeng Humayo,” habang kinilala naman ang pagganap ni Santos sa pelikulang “Everything About Her”.

Nagwagi naman na Pinakapasadong Aktor ang Kapamilya actors na sina Piolo Pascual para sa pelikulang “Hele sa Hiwagang Hapis” at Enrique Gil para sa pelikulang “Dukot.”

Ang Primetime King naman na si Coco Martin ang pinangalanang Pinakapasadong Simbolo sa Kagandahang Asal at Pinakapasadong Aktor sa Teleseryepara sa kaniyang action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano.

Samantala, ang Cinema One Originals film na “Ang Babaeng Humayo” naman ay pinarangalan na Pinakapasadong Pelikula ng Taon. Habang pinarangalan naman na Pinakapasadong Katuwang na Aktor ang Kapamilya actors na sina Paulo Avelino para sa pelikulang “The Unmarried Wife” at Zanjoe Marudo para sa pelikulang “The Third Party.”

Ang child actor na si Onyok Pineda naman ay kinilala bilang Pinakapasadong Likhang-Bata para sa kaniyang pagganap sa pelikulang “The Super Parental Guardians” at sa TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano.