Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Kalupitan sa hayop, mabigat ang parusa

Isinulong ng apat na senador ang pagpapabigat ng parusa sa mga taong masasangkot sa animal cruelty. Nais ng apat na senador na ito na amyendahan ang Republic Act 8485 o Animal Welfare Act of 1998 para mas maging mabigat ang penalty sa pagmamalupit sa mga hayop. Iniakda nina Sen. Miriam Defensor-Santiago, Gringo Honasan, Manny Villay at Chiz Escudero na mula piso hanggang Php 5,000 ay gagawin nilang Php 30,000 ang multa at mula anim na buwang pagkakakulong ay magiging apat na taon na. Sa nakikita ni Sen. Francis Pangilinan, may kahinaan nga ang Animal Welfare Act kaya may mga nagsasagawa ng ilegal na dog meat trade at iba pang pangmamaltrato sa mga aso at kalabaw. (Abante)