Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kalderetang Batangas

Ang Kaldereta ay popular na inihahanda na may tomato sauce at nilalagyan ng anghang, pero sa Batangas region ay naiiba ang kanilang pagluluto nito. Ang Batangas Kaldereta ay maaaring isa sa magarbong ulam na inihahanda sa rehiyon na ito dahil sa mga sangkap na idinadagdag tulad ng pickles, cheese, Worcestershire sauce, peanut butter at liver spread.

Sangkap:
  • 1½ kg malaman na parte ng beef neck bones at ribs, putulin sa tamang size
  • 1 malaking siling pula, hiwain
  • 1 maliit na lata ng reno liver spread
  • 2 kutsarang Worcestershire sauce
  • ½ tasang pickle relish
  • 1 tasang grated cheese
  • 2 umaapaw na kutsarang peanut butter
  • 2-4 siling haba, hiwain
  • 3 tasang beef stock
  • 3 pirasong dahon ng laurel (bay leaves)
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • 8 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • Patatas (optional)
  • Paminta
  • Asin
  • Mantika
Paraan:
  1. Igisa ang bawang sa mantika hanggang magkulay brown. Alisin mula sa kawali at itabi.
  2. Ilagay ang sibuyas at haluin hanggang lumambot.
  3. Ilagay ang beef/mutton. Haluin hanggang ang kabuuan ng karne ay magkulay brown.
  4. Ilagay ang sabaw ng karne at dahon ng laurel at pakuluin.
  5. Idagdag ang liver spread, Worcestershire sauce at pickle relish. Pakuluin sa loob ng 1 1/2 oras sa mahinang apoy hanggang lumambot ang karne. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
  6. Ilagay ang keso, siling haba, siling pula at pakuluin sa karagdagang 15 minuto.
  7. Lagyan ng patatas (optional) at lasahan ng asin at paminta. Ilagay sa ibabaw ang bawang at saka ihain.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang https://www.angsarap.net/